June 2, 2017
Nakipagtalakayan si Batangas Governor Dodo Mandanas (gitna) kina Northern Samar Gov. Jose Ong (kanan) at Albay Gov. Al Francis Bichara (kaliwa) sa ginanap na League of Provinces of the Philippines (LPP) Executive Board Meeting noong May 25, 2017 sa Shangri-la Hotel, Makati City. Pinangunahan ni Gov. Mandanas sa meeting ang diskusyon tungkol sa Internal Revenue Allocation Backpay Claim ng mga local government units mula sa National Taxes at ang pagsusulong sa pederalismo. Pagkatapos nito, nag-desisyon ang LPP na magpadala ng delegasyon sa Malacanang upang kausapin si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol dito. Vince Altar / Batangas Capitol PIO / Photo: EJ De Castro