Librong “365 Stories” ipinamahagi ng Kapitolyo sa mga pampublikong paaralan ng lalawigan

Appointment ng mga bagong Department Heads ng Pamahalaang Panlalawigan, aprubado na ng SP
January 14, 2025
Gov. Mandanas, nakiisa sa Batangas Housing Expo 2025
January 14, 2025

January 14, 2025

Sa pagsisimula ng taong 2025, patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagbibigay ng suporta sa larangan ng edukasyon, sa pangunguna ni Governor Hermilando Mandanas at sa pangangasiwa ng Provincial School Board (PSB), sa isinagawang aktibidad ngayong araw, ika-14 ng Enero 2025, sa Manghinao Elementary School Covered Court sa Bayan ng Bauan.

Namahagi ang Kapitolyo ng mga aklat. na pinamagatang “365 Stories,” sa mga pampublikong paaralan sa mga bayan ng Bauan, San Luis, San Pascual, Alitagtag, Sta. Teresita, Mabini, at Tingloy. Naglalaman ito ng iba’t ibang mga kuwento at makukulay na ilustrasyon na maaaring basahin isa-isa sa bawat araw ng isang taon.

Layunin ng PSB, sa pangunguna ni Ginang Gina Ferriols, na sa pamamagitan ng mga aklat na ito ay mas mahihikayat at mapapasigla pa ang pagbabasa ng mga estudyanteng Batangueño upang patuloy na maisulong ang de-kalidad na edukasyon ng mga kabataan sa lalawigan.

Nagpahayag din ng mensahe ng pasasalamat ang gobernador sa mga guro, na aniya ay nagsisilbing pangalawang ina at kahalili ng mga magulang sa wastong paghubog ng murang isipan ng mga mag-aaral. Kristal Cabello / Photos: Karl Matthew Ambida – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.