Libreng Operasyon para sa mga Bingot at Ngongo, Gaganapin sa Lipa District Hospital

District Hospital Chiefs, Gov. Dodo Nagpulong para Lalong Mapabuti ang Medical Services
January 8, 2018
Batangas PNP’s 2018 New Year’s Call on Gov. Dodo Mandanas
January 10, 2018

January  9, 2018

Gaganapin ang OPERATION HELP a Smile, isang libreng gamutan para sa mga kapus-palad na kabataang Bingot (cleft lip, cleft palate o harelip), Ngo-ngo at iba pang may kapansanan sa mukha, sa Lipa District Hospital, Granja, Lipa City sa Pebrero 3 hanggang 10, 2018.

Ang medical mission ay bukas sa mga batang edad 2 buwan hanggang 12 taong gulang.  Magsisimula ang pagpapatala sa mga pasyente mula ngayon (Pebrero 9) hanggang Enero 30, 2018 sa Lipa District Hospital.

Ang libreng operasyon ay First Come, First Served kaya magtungo na agad sa Lipa District Hospital para makapagpalista at agarang makapagpatingin o check-up ang mga pasyente.  Maaaring pumunta sa Lipa District Hospital at hanapin si Dr. Myron Duque, Medical Director ng nasabing ospital, mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM hanggang 11AM.

Ang medical mission ay hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas at ng Sangguniang Panlalawigan, sa pakikipag-ugnayan sa Igan ng Pilipinas Foundation, Inc.; Philippine American Group of Educators and Surgeons (PAGES); Operation HOPE (Help Other People Excel) ng New Jersey, USA; at mga Rotary Clubs sa Batangas Province.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa tanggapan nina Provincial Administrator Levi Dimaunahan, ang Mission Coordinator, sa telephone number 0917 627 2719; at Ms. Jenny Asilo Aguilera, Provincial Information Office OIC, sa telephone number 723 4651.  Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.