Lalawigan ng Batangas, Nakiisa sa Pagdiriwang ng World Blood Donor Day

Takbo para sa Kalusugan, Idinaos sa Lalawigan ng Batangas
June 15, 2022
Invitation to Bid (GOODS) June 29, 2022
June 16, 2022

June 15, 2022

Bilang pakikiisa ng Lalawigan ng Batangas sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day kahapon, ika-14 ng Hunyo 2022, isang blood-letting activity ang ginanap sa Youth and Cultural Center ng Lungsod ng Lipa.

May 306 na bags ng dugo ang nakolekta sa pagtatapos ng nasabing aktibidad, na pinangunahan ng buong pamunuan ng Batangas Blood Council.

Kabilang sa mga nakiisa sa programa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Health Office, Department of Health – Region IV-A Center for Health Development, Pamahalaang Lungsod ng Lipa, Batangas PNP, Red Cross Batangas Chapter, Batangas Medical Center, N.L. Villa Memorial Medical Center, Alagang Kapatid Foundation, Inc., at iba pang mga katuwang na pampubliko at pribadong organisasyon.

Malaki naman ang pasasalamat ni Governor DoDo Mandanas sa lahat ng mga naging bahagi ng blood donation activity lalo’t higit sa mga blood donors, na patunay aniya ng sama-samang pagkilos at pagmamalasakit para makatulong sa mga kababayan na nangangailangan ng dugo.

Ang World Blood Donor Day ngayong taon ay may temang “Donating blood is an act of solidarity. Join the effort and save lives.”

Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Millicent Ramos – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.