LAB for ALL initiative ni First Lady Liza Marcos, Inilunsad sa Lalawigan ng Batangas

Supplemental Bid No. 1 (Project 19) May 25, 2023
May 16, 2023
KonSulTa Dialogue at Serbisyo Caravan, Isinagawa sa Batangas Capitol
May 17, 2023

May 17, 2023

Nagsimula na sa Lalawigan ng Batangas ang pag-arangkada ng ‘Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat’ o LAB for ALL Caravan na programang hatid ni First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos noong ika-16 ng Mayo 2023.

Pormal itong inilunsad sa pamamagitan ng isang maikling programa na ginanap sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City, kung saan naging mainit ang pagtanggap ng mga Batangueño, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, sa pagdating ng Unang Ginang at sa inisyatibong pangkalusugan na handog nito.

Ang LAB for ALL initiative ay may layunin na makapaghatid ng libreng primary healthcare services sa mga komunidad sa buong bansa. Sa pamamagitan ng programa, hindi na kailangang pumila pa ng mahabang oras at maiwasan ang pagpapabalik-balik sa mga ospital. Mas mapapabilis din ang pag-alam sa mga angkop at kinakailangang medical intervention na nararapat ibigay dahil magsisilbi ring isang preventive care program ang serbisyo.

Sa naging mensahe ni Governor Mandanas, malaki ang pasasalamat niya sa First Lady dahil sa pagkakahirang ng Batangas bilang pilot site ng programa. Sumasalamin aniya ito sa maalab na pagnanais na maging model province ang Batangas sa pagpapatupad o implementasyon ng Universal Health Care Law, na, ayon pa sa gobernador, ay kahalintulad ng mithiin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na makapagbigay sa bawat isang Filipino ng abot-kaya at dekalidad na serbisyong pangkalusugan.

Ayon naman kay First Lady Liza Marcos, ang LAB for ALL ay isang inisyatibo na tutupad sa ipinangako ng kaniyang asawa na maglalapit ng mga nararapat na medical services sa bawat mamamayan.
“My husband would always say, it’s important that we prioritize healthcare. The government must bring healthcare to the people. We need to make it easier for them, because a healthy community is a productive community,” ayon sa Unang Ginang.

Ipinaabot din niya ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa mga sumuporta sa nasabing programa upang maisakatuparan at unang mailunsad sa lalawigan.

Naging katuwang ng Unang Ginang sa launching ng LAB for ALL sa Batangas si Sagip Party-list Representative, Congresswoman Caroline Tanchay, at mga bumubuo ng Department of Health, Department of the Interior and Local Government, at Provincial Government of Batangas.

Nakiisa rin sa ginanap na paglulunsad ng programa sina Anakalusugan Party-List Representative, Congressman Ray Florence Reyes; Department of Health (DOH) Assistant Secretary, Dr. Gloria Balboa; PhilHealth Acting President and Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma; Private Hospital Association – Batangas Chapter President, Dr. Roberto Magsino; Mayor Beverly Dimacuha ng host-Batangas City; ilang City and Municipal Mayors; Sangguniang Panlalawigan Board Members; Provincial Local Health Board Members; Municipal Health Officers; Chiefs of Hospitals; mga opisyal ng Batangas Medical Center; at mga volunteer workers ng lalawigan.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photos: Eric Arellano & Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.