Libo-libong Batangueño, Nagkaisa Laban sa Pagpataw ng Buwis sa Kooperatiba

Batangas Pride
February 22, 2017
Mga Batang Laging Handa
February 23, 2017

February 18, 2017

 

Dumagsa sa Batangas Provincial Sports Complex sa Bolbok, Batangas City noong ika-18 ng Pebrero 2017 ang humigit kumulang apat na libong kasapi ng kooperatiba sa buong Lalawigan ng Batangas para magdaos ng malawakang panawagan laban sa pagpataw ng buwis sa mga kooperatiba.

Ang nasabing movement ay naglalayong tutulan ang mga panukalang batas na tatanggal sa tax exemption privileges ng mga kooperatiba sa bansa sa pamamagitan ng pagtatanggal ng Articles 60 and 61 sa Republic Act 9520 o Cooperative Code of the Philippines. Ang kampanyang ito ay simbolo ng oposisyon sa proposed bills ng Kongreso na tinatawag na Rationalization of Fiscal Investment Incentives.

 

Unite Against Tax on Cooperatives. Nagkaisa ang libo-libong Batangueño sa panawagang ibasura ang mga panukalang batas na patawan ng buwis ang mga kooperatiba. Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta dito ay sina Batangas Governor Hermilando “Dodo” I. Mandanas, 2nd District Representative Raneo Abu, AGAP Party-list Representative Rico Geron, 6th District Senior Board Member Rowena Africa, Provincial Cooperative, Livelihood and Entrepreneurial Development Office Department Head Celia Atienza, Philippine Cooperative Center Operations Manager Elsie Remonte, at Batangas City Councilors Serge Atienza and Boy Dimacuha. Kasama nila ang mga miyembro ng mga kooperatiba sa buong lalawigan sa mahigpit na pagtutol sa planong tanggalin ang tax exemption ng mga kooperatiba.
Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol | Photo by: Macc Venn Ocampo

 

Bilang tanda ng kanyang pakikiisa sa laban para hindi tanggalin ang tax exemption ng mga kooperatiba, lumagda si Batangas Governor Hermilando “Dodo” I. Mandanas sa wall of support kasama ng lahat ng miyembro ng kooperatiba na dumalo sa movement. Ayon kay Governor Dodo, hindi dapat pagkaitan ng ganitong pribilehiyo ang mga kooperatiba sapagkat ang konting kita nila ay mababawasan pa para makatulong sa iba. Ipinahayag niya dito ang malaki at mahalagang papel na ginagampanan ng mga kooperatiba para maiahon ang mga higit na nangangailangan mula sa kahirapan.

Binigyang diin din sa rally na kung hindi matututulan ang mga panukalang batas sa pagpataw ng buwis ikalulugi ng maliliit na negosyante ang pagpapataw ng buwis sa mga kooperatiba. Maraming ordinaryong mamamayan ang maapektuhan sapagkat mababawasan ang pinagsama-sama nilang capital para maitaguyod ang maliliit na negosyo at pagkakakitaan. Ang pag-apruba sa House and Senate bills ay magdudulot ng 30 porsyentong pagkabawas sa net income o kabuuang kita ng mga kooperatiba. Magkakaroon din ng dagdag sa presyo ng mga produkto dahil sa value added tax. Maaari ding lumaki ang mga gastusing pinansyal ng mga kooperatiba na dulot ng attributed property taxes.

 

Declaration of Commitment. Lumagda si Batangas Governor Hermilando “Dodo” I. Mandanas sa Declaration of Commitment bilang tanda ng kanyang pakikiisa sa laban ng mga kooperatiba laban sa pagpataw ng buwis sa mga kooperatiba. Ayon sa nilagdaang deklarasyon, ang kooperatiba ay isang social enterprise at voluntary organization na siyang nagbibigay ng mga serbisyong higit na nakatutulong sa mga mahihirap at mga kapos-palad para alalayan sila na magkaroon ng pagkakabuhayan. Ang pagpirma ng bawat ospisyal ng pamahalaan dito ay tanda ng pagkilala sa mga kooperatiba bilang katuwang nila sa pagtugon sa problema ng kahirapan at ang pagtutol nila sa mungkahing alisin ang nasabing tax exemption. Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol | Photo by: Macc Venn Ocampo

 

Upang maiparating ang malawakang pagtutol sa negatibong epekto ng mga panukalang batas ay sama-sama ding pinirmahan ng mga opisyal ng pamahalaan ang declaration of commitment. Ang deklarasyong ito ay nagsasaad ng pagkilala na ang kooperatiba ay isang social enterprise at voluntary organization na siyang nagbibigay ng mga serbisyong higit na nakatutulong sa mga mahihirap at mga kapos-palad para alalayan sila na magkaroon ng pagkakabuhayan. Ang paglagda ng bawat ospisyal ng pamahalaan dito ay tanda ng pagkilala sa mga kooperatiba bilang katuwang nila sa pagresolba ng problema sa kahirapan at ang pagtutol nila sa pagkawala ng tax exemption ng mga kooperatiba.

Kabilang sa mga lumagda dito ay sina Governor Mandanas, 2nd District Representative Raneo Abu, AGAP Party-list Representative Rico Geron, 6th District Board Member Rowena Africa, Provincial Cooperative, Livelihood and Entrepreneurial Development Office Department Head Celia Atienza, Philippine Cooperative Center Operations Manager Elsie Remonte at Batangas City Councilors Serge Atienza and Boy Dimacuha.

Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol | Photo by: Macc Venn Ocampo

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.