KOOP QUIZ 13th BLAST ng Batangas Province, idinaos sa Kapitolyo

Supplemental Bid No. 1 for Project Number R-014, R-015, R-016 (October 29, 2024 Bidding)
October 22, 2024
Resolution No.1565 Year 2024 – A Resolution Declaring the Entire Province of Batangas under a State of Calamity Due to the Effects of Severe Tropical Storm “Kristine”
October 25, 2024

October 22, 2024

Kaugnay ng pagdiriwang ng Cooperative Month na may temang “Batangas: One Strong Cooperative Movement,” ginanap ang KOOP Quiz 13th Blast Provincial Championship sa pangunguna ng Provincial Cooperative Livehood and Enterprise Development Office (PCLEDO) noong ika-18 ng Oktubre 2024 sa PCLEDO Building, Capitol Site, Batangas City.

Hinirang na kampyon ng taunang kompetisyon, mula sa 34 na mga kalahok, si Arien Magundayao ng Kalayaan Christian School mula sa Bayan ng Cuenca, matapos malikom ng 178 points, habang 1st Runner-Up si Kobe Andrei U. Advincula ng Our Lady of Peace Academy mula sa Bayan ng Tuy na nakakuha ng 163 points, at 2nd Runner-Up si Carl Andrue S. Lagrisola ng Lian National Highschool, matapos umiskor ng 156 points.

Ang first placer ay nakatanggap ng trophy, medal, at ₱12,000, samantalang trophy, medal at ₱10,000 at trophy, medal at ₱7,000 ang naiuwi ng 2nd at 3rd placer, sang-ayon sa pagkakasunod. Ang ibang mga contestants ay nakatanggap namn ng ₱2,000 para sa kanilang partisipasyon sa paligsahan.

Dagdag pa dito, awtomatikong magiging mga iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang tatlong mga winners, at makakatanggap naman ang kanilang mga paaralan ng halagang ₱10,000.

Magiging mga kinatawan ng Batangas Province ang mga nanalo sa Regional KOOP Quiz, na naglalayong maibahagi ang kaalaman at maipakilala ang mga programa ng kooperatiba sa mga kabataan upang mas lalo ito mapalaganap at maisulong sa hinaharap.

Pinangasiwaan ang naturang kompetisyon ng mga kawani ng PCLEDO, sa pamumuno ni Ginang Celia Atienza. Nakiisa rin sa kompetisyon si 5th District Senior Board Member Claudette Ambida-Alday, chairperson ng Sangguniang Panlalawigan Committee on Cooperatives, Livelihood and Enterprises Development

Almira Elaine Baler/ Junjun Hara De Chavez – Batangas PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.