Konsultasyon Tungkol sa Special Health Fund, Ginanap sa Batangas

Mga Pangkabuhayang Pagsasanay para sa Taal Volcano Evacuees, Isinasagawa na
March 4, 2020
BAC – List of Awarded Contracts for Emergency Purchase (Taal Volcano Eruption)
March 6, 2020

March 5, 2020

Aktibong nakipagtalakayan si Gov. DoDo Mandanas sa isinagawang Consultation Session on the Special Health Fund Guidelines sa Lalawigan ng Batangas, kaugnay ng implementasyon ng Universal Health Care Law, noong ika-5 ng Marson 2020 sa Hotel Pontefino, Lungsod ng Batangas.

Pinangunahan ang konsultasyon ng Department of Health at Philhealth, katuwang ang USAID Reach Health Project, na layuning gawing maliwanag at magkakaugnay ang mga patakaran, at masagot ang mga tanong patungkol sa mga pagpapatupad ng mga alituntunin sang-ayon sa mga kasalukuyang proseso at requirements ng pamahalaang lokal. Pagsasama-samahin din ang mga komento at rekomendasyon para sa patuloy na pagpapabuti ng nasabing sistema.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gov. Mandanas na dumalo siya hindi lamang “..to grace the occasion,” kundi “..to participate in the discussions.” Nagpasalamat din siya sa DOH, Philhealth at USAID sa agarang pag-iiskedyul ng nasabing konsultasyon sa lalawigan.

Ipinabatid naman ng mga kinatawan ng DOH at Philhealth na hangad ng UHC na maipatupad ang isang “comprehensive and responsive health program” para sa mga Pilipino, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan ng tulong ng pamahalaan.

Layunin ng batas na maibaba ang pasananing pinansyal ng mga Pilipino sa larangan ng kalusugan . Sa kasalukuyan, 54% ng kinikita ng isang Pinoy ang napupunta sa mga gastusin sa pagpapa-ospital at gamot na, ayon sa isang pag-aaral, ay isa sa pinakamataas sa Southeast Asia.

Iniwan naman ni Dr. Laurentiu Stan, Chief of Party ng ReachHealth Project, ang hamon na hindi magiging madali ang pagpapatupad ng UHC, subalit, aniya, kinakailangan mapanatili ng mga Batangueño ang kanilang passion at patience upang malampasan ang mga inaasahang pagsubok. Pinuri rin ni Dr. Stan ang pamahalaang panlalawigan na isa raw sa kauna-unahang sumailalim sa isinagawang konsultasyon sa bansa.

Naging bahagi ng pagtitipon sina Dr. Monica Jannifer ng DOH Center for Health Development CALABARZON, Philhealth Fund Management Sector Senior Vice President Renato Limsiaco, Jr., mga department heads ng Kapitolyo, provincial hospital chiefs, municipal health officers at iba pang bumubuo ng Batangas Provincial Health Board.

Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.