Kauna-unahang Batangueña DILG ASec kinilala ng SP

Pangulong Duterte, bukas sa ibang paraan para sa agarang pagpapatupad ng Mandanas decision
October 1, 2019
Division PTA Forum and Oath Taking Ceremony, isinagawa
October 1, 2019

October 1, 2019

Isang resolution of commendation ang inihain ni 6th District Board Member Aries “Bibong” Mendoza sa Sangguniang Panlalawigan ng Batangas upang bigyang pagkilala ang pagkakatalaga kay Ms. Florida M. Dijan bilang Assistant Secretary (ASec) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – Human Resource Division.

Isinulong ni Bokal Mendoza ng Lone District of Lipa City ang nasabing komendasyon para kay Asec Dijan, bilang pagkilala sa karangalang dinala nito hindi lamang para sa Lungsod ng Lipa, kundi pati na rin sa buong Lalawigan ng Batangas, sa kanyang pagkakahirang bilang kauna-unahang Lipeña at Batangueña na nakakamit sa nasabing posisyon.

Dagdag pa nito, si Asec Dijan, na dating DILG Region 3 Regional Director, ay maituuring na inspirasyon sa kanyang mga kapwa kawani ng pamahalaan dahil nagsimula itong sa pagiging isang rank and file employee.

Marinela Jade Maneja – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.