Karagdagang Medical Professionals Kinakailangan ng Batangas Laban sa COVID-19

Contact Tracers Training Isinagawa sa Batangas Capitol
October 17, 2020
DA, Capitol Officials, Batangueño Egg Producers Nakiisa sa World Egg Day Celebration
October 18, 2020

October 17, 2020

Binigyang-diin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na bilang ng medical frontliners na tutugon sa tungkulin para labanan ang krisis na dulot ng pandemya ng COVID -19 sa Lalawigan.

Ito ang direktiba ni Batangas Governor DoDo Mandanas sa isinagawang pulong ng Batangas Inter-Agency Task Force on COVID-19 sa pamamagitan ng virtual tele-conferencing noong ika-12 ng Oktubre 2020.

Ayon kay Gov. Mandanas, pangunahing pangangailangan ngayon ang mga medical personnel, kabilang ang mga duktor, nurses at laboratory technicians, upang magkaroon ng “personnel augmentation” o karagdagang staff sa lahat ng mga provincial at district hospitals at local health units ng mga lokal na pamahalaan sa buong lalawigan.

Ang pangangailangan sa karagdagang medical staff ay nakita bunsod ng isinagawang agresibong mass testing sa lalawigan noong ika-3 hanggang ika-6 ng Oktubre. Dahil sa malaking bilang ng mga indibidwal na sumailalim sa RT-PCR testing, mas nakita ang pangangailangan ng COVID-19 Swab personnel at laboratory specimen professionals upang mabilisang maproseso ang tests.

Bunsod naman sa magandang resulta ng nasabing aktibidad, nagkaroon ng mas masusing mga pag-uusap at koordinasyon ang pamahalaang panlalawigan at ang National Inter-Agency Task Force, upang maipagpatuloy pa ang isinagawang aggressive community testing sa pamamagitan ng localized approach o katuwang ang mga local government units sa lalawigan.

Makakatulong na rin sa kampanya ng Batangas Province kontra COVID-19 ang mahigit 300 na bagong talagang contact tracers na sinanay na Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH) at Philippine National Police (PNP), na magsisismula na sa kanilang tungkulin ngayong Oktubre hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.

Bukod sa pagpapagawa ng mga karagdagang mga kuwarto sa mga district hospitals upang magamit na isolation units, nagbigay rin ng go-signal ang gobernador sa pagbili ng malakihang bilang ng Personal Protective Equipment (PPE), at pagsisimula ng konstruksyon ng Batangas Provincial Hospital sa Bayan ng Calaca, na inaasahan na magtataglay ng modernong laboratoryo at mga pasilidad na tutugon sa iba’t-ibang pangangailanagan medical, hindi lamang sa mga emergency situations at kalamidad, kung hindi pati na rin sa mga krisis tulad ng kasalukuyang pandemya.

Edwin V. Zabarte – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.