Kapitolyo, Nakiisa sa Philippines Arbor Day

Gov. DoDo: Fast-track Taal Response
July 3, 2021
443 Displaced Workers sa Lalawigan ng Batangas, Nabigyan ng Tulong sa Ilalim ng TUPAD Program
July 4, 2021

July 4, 2021

100 Seedling Itinanim sa Taysan, Batangas

Nakiisa ang Batangas Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PGENRO) sa pagdiriwang ng Philippines Arbor Day noong ika-25 ng Hunyo 2021 sa pamamagitan ng pagtatanim ng 100 na mga puno, na inorganisa ng isang pribadong kompanya sa Bayan ng Taysan.

Ang Arbor Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Hunyo bawat taon, sang-ayon sa Proclamation No. 396 na ipinatupad ni dating Pangulo Gloria MAcapagal-Arroyo noong ika-25 ng Hunyo 2003. Layon ng kautusan na mapataas ang kamalayan ng mga mamamayan sa kahalagahan ng pagtatanim ng puno at halaman, at inatasan ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, mga paaralan, civil society groups at mamamayan ng aktibong pakikilahok sa pagtatanim ng mga puno.

Nakiisa rin sa tree-planting activity, sa loob ng compound ng Republic Cement and Building Materials, Inc. Batangas Plant, ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Taysan; barangay officials ng Barangay Mapulo, Taysan; mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), at mga kawani ng nasabing planta ng semento.

Kabilang sa mga seedlings na itinanim ay Langka, Caimito, Durian, Santol, Aguho at Molave, na inaasahang makatutulong sa pagtataguyod ng isang malusog na ecosystem at luntiang kapaligiran sa nasabing lugar.

Pinasalamatan ni Ginoong Luis Awitan, department head ng PGENRO, ang mga organizers ng aktibidad, at binigyang-diin nito na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Gobernador DoDo Mandanas, ay patuloy na sumusuporta sa lahat ng mga gawaing makakatulong na mapahusay, maprotektahan at mapanatili ang isang malusog, malinis at luntiang kapaligiran sa buong lalawigan.

PG-ENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.