Kapitolyo, Muling Nakiisa sa World Mangrove Day

Notice of Vacant Positions
August 1, 2024
SUPPLEMENTAL/BID BULLETIN NO. 01 – Project Nos. M-001, M-002, M-008, M-013, M-018, M-019, M-020, M-021, M-022, M-023, M-024, M-026, M-027, M-028, M-029, M-030, M-031, M-032, M-033, M-034, M-035, M-037, M-038, M-041
August 6, 2024

August 2, 2024

Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagsasagawa at pagsulong ng mga programa na nakatuon sa pangangalaga ng kapaligiran, kung saan ang mga baybayin nito ang binigyang pansin sa isinagawang “Bantay Bakawan, Bantay Kalikasan: A Community Workshop to Enhance Their Participation in Mangrove Ecosystem Conservation and Protection” na hatid ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO).

Ang community workshop ay isinagawa sa Brgy. Banoyo, San Luis Batangas noong araw ng Biyernes , August 2 , 2024.

Ang nasabing pagtitipon ng kumunidad para sa kalikasan ay bilang pakikiisa ng lalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Governor Mandanas sa padiriwang ng “International Day for the Conservation of Mangrove Ecosystems”.

Layunin ng environmental activity na palakasin ang kaalaman at partisipasyon ng mga residente sa pangangalaga ng mga bakawan at sa pangkalahatang kalikasan ng kanilang lugar.

Bukod sa mga miyembro ng komunidad ng Banoyo, kinabibilangan din ito ng mga indigenous people, grupo at samahan ng mga kabataan ganun na rin ang mga Brgy. Volunteers .

Nakiisa sa nasabing workshop si PG-ENRO Division Head for Biodiversity Management, Engr. Lorena A. Candava na siya ring nagbigay ng pambungad na pananalita sa programa.

Aniya, malaking tulong ang bakawan lalo na sa nakaraang bagyo kung saan nakatulong ang mga ito upang mapahina ang epekto ng malalakas na hangin at alon sa baybayain ng Barangay. Binigyang diin niya ang kahalagahan ng mga bakawan sa ecosystem at sa kabuhayan ng mga residente.

Ilan sa mga aktibidad sa workshop ay ang mga presentasyon ukol sa rehabilitasyon ng bakawan, kahalagahan at iba’t-ibang uri nito, reforestation, restoration at monitoring ng bakawan.

Isa sa mga lumahok, si Gladys Arteza, na kabilang sa mga Indigenous People sa Banoyo, ay nagbahagi ng kaniyang natutunan sa naturang aktibidad. “Napakahalaga ng bakawan sa amin bilang panangga ng mga bahay na nakatayo sa tabing dagat. Sobra kaming natutuwa na nagkaroon ng proyekto ng bakawan dito sa Bayan ng San Luis,” dagdag pa niya.

Samantala, patuloy naman ang pagpapaalala ni Barangay Banoyo Chairperson Hon. Emelita V. Corales sa kaniyang mga kabarangay sa pangangalaga ng bakawan. “Mahalin ninyo ang baybay dagat. Alagaan ninyo sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura sa tamang lagayan at wag sa dagat.” aniya

Mahalaga ang pagkakaroon ng mga bakawan dahil malaki ang ginagampanan nito sa kalusugan, seguridad sa pagkain, at hanapbuhay sa mga komunidad na nasa baybaying dagat. Ang bakawan din ang sumusuporta sa isang mayaman na biodiversity dahil angsisilbi itong tirahan o nursery sites para sa mga isda at crustaceans.

Bukod dito, nakakatulong din ang mangrove upang maprotektahan ang mga baybayin sa maaring maging epekto ng bagyo, tsunami, pagtaas ng lebel ng tubig dagat, at pagguho ng lupa na dulot ng climate change.

Vinson-Roi C. De Chavez. – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.