Kamatis candy-making hatid ng Prov’l. Agri Office

Child Sexual Extortion at Exploitation sa Batangas Province, tinutukan ng ECPAT Philippines
June 17, 2019
Pagsasanay ng Mango Farmers sa Batangas, isinagawa
June 17, 2019

June 17, 2019

Mula sa pagtatanim, pangangasiwa sa produksiyon, hanggang sa pagproseso ng pagkain at iba pang mga produkto, hindi maikakaila na isa sa nag-aambag sa malaking bahagdan ng ekonomiya ng Lalawigan ng Batangas ang sektor ng agrikultura.

Kaugnay nito, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ay tuloy-tuloy na nagtataguyod ng mga proyektong pang-agrikultura upang makatulong sa bawat Batangueño na kumukuha ng kabuhayan sa larangan ng agrikultura.

Noong ika-14 ng Hunyo 2019, nagsagawa ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), na pinamumunuan ni Engr. Pablito Balantac, ng isang pagsasanay sa paggawa ng candy gamit ang kamatis.

Ang nasabing pagsasanay ay nilahukan ng mga opisyales at miyembro ng Rural Improvement Club, mula sa iba’t-ibang munisipyo ng lalawigan.

Layunin ng isang araw na training on tomato candy-making na magkaroon ang bawat dumalo ng dagdag kita; maitaas ang halaga at kalidad ng kamatis sa Batangas; at, maiwasan ang pagkasayang kapag wala sa panahon, mura ang presyo nito o madami o may oversupply sa merkado.

Nagsilbing tagapagsanay sina Sonia Garcia at Clavel Baleros, na kapwa mga kawani ng OPAg. Ipinakita nila sa mga kalahok ang proseso sa paggawa ng tomato candy, sa pagsasama-sama ng mga sangkap na kamatis, asukal at lime o calamansi juice. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO / Photo: Office of the Provincial Agriculturist

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.