Kalusugan Kards Ipinamahagi sa Batangas Capitol

Supplemental Bid Bulletin No. 2
January 7, 2022
Pagpapabakuna ng Lahat ng Batangueño, Layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
January 7, 2022

January 7, 2022

Kalusugan Kards Ipinamahagi sa Batangas Capitol

Pormal na ipinagkaloob ng Anakalusugan Partylist ang Kalusugan Kards sa unang sampung benepisyaryo sa Lalawigan ng Batangas sa isang ceremonial turn-over kahapon, ika-6 ng Enero 2022, sa Batangas Capitol, Lungsod ng Batangas.

Pinangunahan ang pamamahagi ng mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, katuwang sina Anakalusugan Partylist nominees, Mr. Ray Florence Reyes at Atty. Gina Reyes-Mandanas.

“Lahat ng Batangueño ay magkakaroon ng Kalusugan Kard para sa libreng pagamot, mahirap man kayo o mayaman, pantay-pantay na ang ating serbisyong pangkalusugan,” pahayag ni Reyes sa kanyang naging mensahe.

Binigyang-diin naman ni Atty. Reyes-Mandanas na hindi lamang sampu ang mapagkakalooban ng nasabing health cards, kundi isang milyong benepisyaryo ang makakatanggap nito sa pilot deployment ng proyekto.

Nagpasalamat naman si Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Department Head Joy Montalbo sa ginawang partnership ni Governor Mandanas para magkaroon ng Kalusugan Kard, na nangangahulugan ng dagdag na mga benepisyong pangkalusugan para sa mga Batangueño.

Nakiisa rin sa ginanap na pagtitipon sina Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Joselito Castro.

Jayne Elarmo / Janssen Olimba Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
9

Comments are closed.