Kahandaan sa Sunog, Ipinaalala ng Bureau of Fire Protection

Kauna-unahang Job Fair, Career Expo para sa mga PWDs, Isinagawa sa Batangas Capitol
July 31, 2022
Notice of Award – Purchase of 80 units of Weighing Scale and 80 units of Nutri board for height and length for use under PHO’s Nutrition Development Program
August 1, 2022

July 31, 2022

Kaugnay sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) ngayong buwan ng Hulyo 2022, nakapanayam ng B’yaheng Kapitolyo, ang opisyal na programang pang-radyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, si Senior Fire Officer II Juancho Gutierrez ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region 4A noong ika-26 ng Hulyo 2022.

Binibigyang-diin ang kahalagahan ng NDRM, na may temang “Sambayang Pilipino, Nagkakaisa tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan,”upang mas mapalakas ang kamalayan ng publiko at pagtutulungan ng lahat sa pagtugon sa mga hamong dulot ng mga kalamidad at climate change.

Tinalakay ni Gutierrez, na tumatayong Provincial Chief for Plans and Programs ng BFP, ang ilan sa mga fire safety measures na kinakailangang tandaan ng publiko, at kinatatampukan ng OPLAN Ligtas na Pamayanan, na isang komprehensibo at detalyadong risk reduction and management program na nangangailangan ng partisipasyon ng mga mamamayan sa komunidad.

Isa sa mga bahagi nito ang Handang Pamayanan, kung saan ang buong komunidad ay magkakaroon ng pagpupulong para sa community fire protection plan na tutukoy sa mga wastong hakbang ng mga tao kung magkakaroon ng sunog.

Taos-pusong nagpasalamat naman si Gutierrez sa pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, dahil sa Mandanas Ruling, na ngayon ay ipinatutupad na, sapagkat malaki aniya ang maitutulong nito sa pagpapataas ng kakayahan ng bawat pamahalaang lokal dahil sa mas malaking pondong magagamit sa mga programang pangkaligtasan ng mga pamayanan.

Ang panayam ay naisakatuparan katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sa pangunguna ni Ginoong Lito Castro.

Jayne Elarmo, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.