Joint Meetings ng Batangas Tourism Council at Batangas Culture and Arts Council, Isinagawa

SUPPLEMENTAL/BID BULLETIN (November 3 & 4)
October 24, 2022
Notice of Vacant Positions (October 25, 2022)
October 25, 2022

October 24, 2022

Nagtipon ang mga stakeholders ng turismo, kultura, at sining ng Lalawigan ng Batangas noong ika-20 ng Oktubre 2022 para sa isang joint council meeting ng Batangas Tourism Council (BTC) at Batangas Culture and Arts Council (BCAC), na pinangasiwaan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), sa PTCAO Building, Capitol Compound, Batangas City.

Pinamunuan ni Governor Dodo Mandanas, na tumatayong PTCAO department head at BTC at BCAC chairperson, ang magkasabay na pagpupulong, kasama sina Atty. Sylvia Marasigan, BCAC president, at Mr. Sonny Lozano, ang BTC president.

Naging pangunahing paksa sa pagtitipon ang mga accomplishments ng dalawang konseho at mga plano para sa 441st Foundation Celebration ng Lalawigan ng Batangas.

Pinagtalakayan din dito ang gaganaping Digital Film Festival na Doon Po Sa Amin Sa Batangas 2022, na proyektong katuwang ang Batangas Forum, at suporta sa SATALA (Sagip Taal Lake), isang panawagan at adbokasiya upang maipaalam ang kasalukuyang kalagayan ng Lawa ng Taal, patuloy na maisulong ang pangangalaga nito, at buhayin ang sigla ng turismo sa buong lalawigan.

Sa kabuaan ng pagtitipon, binigyang-diin ni Governor Mandanas sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng pagtataguyod at pagpapatupad ng maayos na mga programa at proyekto para sa patuloy na pagyabong ng turismo, kultura at sining dahil ito “..ang pinakakaluluwa ng Lalawigan ng Batangas na kailangan pangalagaan at ingatan ng bawat Batangueño.”

Janssen Olimba / Photos: Eric Arellano- Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.