Job Fair para sa mga PWD, Isasagawa ng Batangas Capitol

EMERGENCY OPERATIONS CENTER (EOC) Management Training Hatid ng OCD-CALABARZON para Batangas
July 5, 2022
7th Batangan Pride March Ipinagdiwang
July 5, 2022

July 5, 2022

Pinangunahan ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD), sa pamamagitan ng Public Employment and Special Services Division (PESSD) nito, ang isang pagpupulong para sa pinaplanong kauna-unahang Job Fair ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa mga Batangueñong Persons With Disability (PWD) na ginanap noong ika-28 ng Hunyo 2022.

Pinangunahan ang pagpupulong ni G. Diosdao Macalintal, assistant department head ng PACD, kasama ang mga kinatawan ng Department of Rehabilitation Medicine ng Batangas Medical Center, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), Office of the Provincial Veterinarian, Office of the Provincial Agriculturist, at Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO).

Nakatakdang isagawa ang nasabing Job Fair sa ika-27 ng Hulyo taong kasalukuyan, kaugnay ng pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week, para sa mas epektibo at episyenteng pagpapatupad ng mga programang pang-empleyo sa lalawigan, partikular ng mga PWD, na nais matulungan ng pamahalaang panlalawigan na magkaroon ng maayos na kabuhayan at mapagkukunan ng pagkakakitaan.

Kabilang ang aktibidad sa mga programa ng pamahalaang panlalawigan, sa pamumuno ni Governor DoDo Mandanas, na masiguro ang kaayusan at kagalingan ng mga mamamayan, kasama ang mga PWD.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
10

Comments are closed.