JOB FAIR ng POEA, Isinagawa sa Batangas Capitol

Notice of Vacant Positions
September 5, 2017
Selebrasyon ng Buwan ng Wika, Tampok sa mga Capitol Activities
September 8, 2017

September 8, 2017

Sa isinagawang Job Fair and E-Registration, Government to Government Overseas Hiring thru Philippine Overseas Employment Authority (POEA), nagtala ng 1,726 na aplikante sa 8 lokal na kompanya at 11 recruitment agencies noong ika-25 ng Agosto na ginanap sa Provincial Auditorium, Batangas Provincial Capitol, Batangas City.

Sa nasabing Job Fair ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na isa sa sunod-sunod na recruitment activities upang matulungan ang mga kababayang naghahanap ng trabaho, 45 na applicants ang agad na natanggap sa trabaho, 348 ang nakitang kwalipikadong aplikante at 600 ang naging e-registered sa POEA.

Nagkaroon din ng job fair na ginanap naman sa Walter Mart, Balayan noong ika-1 ng Setyembre, kung saan 29 ang hired on the spot sa 411 aplikante sa 9 na local at 3 overseas company.

Nagsagawa din ng Local Recruitment Activity ang Philippine Survey and Research Center sa PACD Conference Room noong ika-6 ng Setyembre kung saan 29 ang hired on the spot sa 38 aplikanteng dumalo.

Ang mga naturang aktibidad ay isinagawa sa tulong ng mga partner agencies, tulad ng Department of Labor and Employment at POEA.   Elfie Ilustre – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.