Itinalagang Capitol Info Agents Pinulong

Rich Batangas, Partner sa National Development
June 2, 2017
Batangas Gender & Development Code, mas Palalakasin
June 9, 2017

June 9, 2017
Upang mas mapadali at mabilis ang pagkuha ng wastong impormasyon mula sa mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, nagtalaga ang bawat departamento at tanggapan ng Batangas Provincial Capitol ng information agents o authorized representatives na magiging opisyal na pagmumulan ng mga information patungkol sa kanilang mga programs, plans, activities at accomplishments.

Kaugnay nito, isinagawa ang kauna-unahang pagpupulong ng mga information agents ng Batangas Provincial Capitol noong June 8, 2017 sa People’s Mansion, Batangas City.

Binigyang-diin ni Provincial Information Office Officer-in-Charge Jenny Asilo Aguilera na isinagawa ang pagpupulong para pormal na makapagtalaga ng contact person sa bawat tanggapan na makapagbibigay ng tama at napapanahong mga information sa PIO para sa kaukulang information dissemination sa pamamagitan ng official social media accounts, radio program at newspaper publication ng Kapitolyo.

Dagdag pa niya, hangad ni Gov. Dodo Mandanas na maipakita sa publiko na hindi lamang siya at ang kanyang opisina ang nagtatrabaho ng maayos, kundi ang bawat departamento ng pamahalaang panlalawigan.

Nakiisa at nagpadala ng mga kinatawan sa meeting ang lahat ng tanggapan ng kapitolyo, kabilang ang mga tanggapan ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.