Iskolar ng Kapitolyo noon, isa sa pinakabatang judge sa Bansa

Kampanya ng Lalawigan Laban sa Dengue at iba pang Vector Borne Diseases, Pinagtibay
August 15, 2019
Gov. DoDo, Keynote Speaker sa 1st CALABARZON Regional Hospital Summit
August 19, 2019

August 16, 2019

Pangarap, pagsisikap at determinasyon ang mga naging puhunan ng isang iskolar noon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na isa nang hukom ngayon sa Municipal Trial Court ng San Luis, Batangas na si Atty. Alvin Bathan Landicho, kasalukuyang Presiding Judge ng Municipal Trial Court sa Bayan ng San Luis.

Panlima sa pitong magkakapatid ng isang magsasaka at isang maybahay, buong tapang nitong hinarap ang mga pagsubok para hindi maging hadlang sa kaniyang mga pangarap sa buhay.

“Malaking tulong ang scholarship ni Gov. DoDo Mandanas,” pahayag ni Judge Landicho, na naging bahagi ng BPSP nang siya ang nag-aaral ng kursong Mass Communication sa Lyceum of the Philippines University Batangas. “Sa pamamagitan ng mga kaklase ko, nalaman ko na may scholarship program ang Kapitolyo, at hindi ako nagdalawang isip na kunin ang opurtunidad para makuhang iskolar”.

Malaki ang pasalamat ni Judge Landicho sa pamahalaang panlalawigan, partikular sa pamunuan ni Gov. Mandanas, dahil, aniya sa napakalaking naitulong ng scholarship program upang makamit niya ang tagumpay.

Ibinahagi nito na noong siya ay nagtatrabaho na sa Maynila, inalok siya ng kaniyang mga tiyuhin na pumasok sa Law School upang maging kauna-unahang magiging abogado sa pamilya, at tinanggap ang hamon na ito daan upang makatapos siya ng Bachelor of Laws.

Nagtrabaho rin siya sa isang fast food chain noong kolehiyo, at pumasok bilang isang call center agent habang nasa law school.

Paalala ni Judge Landicho sa mga mag-aaral na Batangueño na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at huwag sayangin ang pribilehiyo o ang maging iskolar ng Pamahalaan.

Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa at sinabi na huwag matakot tumulong katulad ng kaniyang ginagawa sa kasalukuyan na pag-papaaral ngayon ng kaniyang mga pamangkin.

Jun –Jun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.