Intensified Mobile Vaccination Roll-out Ipatutupad sa Batangas Province

Bakunahan sa DREAM Zone, Itinigil Dahil sa mga Nagpositibong Vaccinators
January 24, 2022
BAYANIHAN GRANT TO PROVINCES – Report on Fund Utilization of Program / Activity Implementation for the Month of December 2021
January 24, 2022

January 24, 2022

Patuloy na isasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang aktibong kampanya nito para sa pagbabakuna sa pamamagitan ng roll-out ng mga vaccination bus at mobile clinics na nasa pamamahala ng Provincial Health Office.

Ito ang ipinahayag ni Batangas Governor DoDo Mandanas sa weekly joint meeting ng Batangas Inter-Agency Task Force Against COVID-19 (IATF) at Provincial Health Board.

Pansamantalang naantala ang vaccination program sa DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas matapos makapagtala ng mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga frontliners at empleyado ng Kapitolyo na gumaganap sa nasabing vaccination center.

Sa pinakahuling tala na inilabas ng IATF, lumalabas na 26 health personnel na kabilang sa vaccination team ang nagpositibo, kasabay ng pagtaas ng bilang ng positive cases sa mga tanggapan ng Kapitolyo.

Bagaman at mas limitado sa bilang, handang serbisyuhan ng mga vaccination bus at mobile clinics ang mga local government units sa lalawigan, partikular ang mga nakatira sa malalayong pamayanan na nahihirapang magtungo sa mga designated vaccination areas, ganun din ang pagbabakuna sa mga sektor ng nakatatanda at may kapansanan.

Sa ganitong paraan, inaasahang hindi maaantala at mapuputol ang momentum ng Batangas kaugnay ng kahalagahan ng vaccination sa general population ng lalawigan.

Naglabas na rin ng resolusyon at direktiba ang pamahalaang panlalawigan, na bukod sa patuloy na kampanya sa bakuna, ipapatupad nito ang istriktong pagsunod sa nauna nang inilabas na Resolution 148-B, Series of 2021, ng National IATF, na nagsasaad ng mga regulasyon sa vaccination status ng mga manggagawa.

Batay sa mga datos ng National Vaccine Operations Center, may sapat na bakuna ang lalawigan para sa lahat ng mga eligible employees sa pampubliko at pribadong sektor.

Sa ilalim ng mandato, hinihikayat na ang mga empleyadong magseserbisyo on-site ay may mga kumpletong bakuna.

Nilinaw din sa nasabing resolusyon na ang mga nanatiling unvaccinated workforce sa kadahilanang pang-relihiyong paniniwala, pang-kalusugan at sariling paniniwala ay hindi maaring tanggalin sa kanilang trabaho. Bagkus, ang mga ito ay inaatasang sumailalim sa weekly RT-PCR o Antigen Test, na personal nilang babalikatin at hindi sasagutin ng mga employers, sa pribado man o pampublikong pagseserbisyo.

Ang Batangas Province at patuloy pa ring nasa Alert Level 3, batay sa pinakahuling itinakdang Alert Level System na inilabas ng National IATF kaya patuloy pa ring pinapaalalahanan ang publiko na patuloy na sumunod sa mga itinakdang health and safety protocols.

Edwin V. Zabarte – Batagas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.