Integrated Coastal Management System Level 2 Certification, Iginawad sa Lalawigan ng Batangas

Notice of Award – Purchase of medical supplies (Cover-all, reusable, Face Shield (full shield), etc.) to be used in Rescue and Response for COVID-19 pandemic
December 2, 2020
Financial Assistance ng Kapitolyo, Tuloy Hanggang Dec. 18, 2020
December 5, 2020

December 5, 2020

Isang malaking karangalan ang nakamit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas matapos magawaran at matanggap nito ang Integrated Coastal Management (ICM) System Level 2 Certification ng Partnerships in Environmental Management for the Seas of East Asia (PEMSEA) Network for Local Government (PNLG) na inanunsyo sa ginanap na Virtual Forum noong ika-24 ng Nobyembre 2020.

Ang naturang sertipikasyon ay ipinagkaloob sa lalawigan, bilang miyembro ng PNLG dahil sa ipinakitang husay nito sa epektibong implementasyon ng mga programang nakasentro sa Coastal Management at Governance, na naglalayong tuloy-tuloy na maingitan at mapangalagaan ang mga marine resources sa probinsya.

Naging batayan sa isinagawang ebalwasyon ang mga itinakdang measurable indicators ng ICM Code kung saan nakapaloob ang mga kinakailangang pamantayan ng dalawang internationally-recognized standards, ang ISO 9001:2015 para sa Quality Management Systems at 14001:2015 na tumutukoy naman sa Environmental Management System.

Ang pagpapatupad ng Integrated Coastal Management sa probinsya ay pinangungunahan ng pamahalaang panlalawigan, sa ilalim ng pamumuno ni Governor DoDo Mandanas, at sa pamamagitan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), na tumatayong Focal Office.

Tanging dalawang lalawigan lamang sa Pilipinas ang nakakuha ng Level 2 Certification, kung saan nakasama ng Batangas ang Probinsya ng Bataan.

Malaki naman ang naging pasasalamat ng PG-ENRO sa patuloy na pakikiisa, simula taong 1994, sa implementasyon ng ICM programs ng mga lungsod at bayan sa lalawigan, gayundin ng mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan, national government agencies, academe, at iba’t-ibang pampubliko at pribadong mga organisasyon.

Samantala, sa ipinaabot na mensahe ni Governor Mandanas, isang tagumpay aniya ito na maipagmamalaki ng bawat isang Batangueño at simbolo umano na ang lalawigan ay tumutugon sa responsibilidad upang mapangalagaan at mabigyang-halaga ang kalikasan, partikular ang angking likas na yaman ng Batangas.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO
With report from PG-ENRO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.