Info Kiosk para sa ASEAN Summit, Binuksan na sa Batangas Port

END Rabies Campaign Isinulong sa Lemery
March 30, 2017
Sama-sama para sa Koop Batangan
April 3, 2017

April 3, 2017

Para lubos na malaman ng mamamayan ang mga programang isinusulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at ng pamahalaan, inilunsad ng Philippine Information Agency (PIA) Region IV-A ang kanilang Information Kiosk sa Passenger Terminal 3, Batangas Port noong ika-3 ng Abril, 2017.

Kaalinsabay ito sa isang taong chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN Summit 2017 na may temang “Partnering for Change, Engaging the World.” Ang gaganaping summit ay nakatutok sa planong magkaroon ng people-centered and people-oriented ASEAN, peace and stability, maritime security and cooperation, inclusive and innovation-led growth, resilient ASEAN at gawing model of regionalism at global player ang sampung bansang miyembro ng ASEAN.

Hinihikayat ang heads of government agencies, local government units, government-owned or controlled corporations at state universities and colleges na suportahan ang nasabing kampanya. Ang pagpapalawig ng kaalaman ukol sa ASEAN ay alinsunod sa Memorandum Circular 06 series of 2016 ng Civil Service Commission.

Dahil dito, layon ng PIA na gamitin ang multimedia platforms at on-the-ground interpersonal communication hanggang sa katapusan ng taon. Isa na rito ang pamimigay ng flyers, leaflets at iba pang information materials sa kabubukas na kiosk. Matutulungan ng paraang ito na magkaroon ng kaalaman at mapakalat pa lalo ang impormasyon ukol sa epekto at benepisyo ng ASEAN sa bansa sapagkat ang Batangas Port ay isa sa mga dinadayong pantalan ng mga manlalakbay mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dinaluhan ng ilang kinatawan ng government agencies at ng media practitioners ang launching ng PIA info kiosk kung saan pangunahing panauhin sina Port Service Division Officer-in-Charge Resty Sebollena, PIA Deputy Director General Gregorio Angelo Villar at PIA Calabarzon Regional Director Ma. Cristina Argadon.

Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.