Indak Kababaihan 2019, matagumpay na isinagawa sa Batangas Capitol

2nd Prosthesis Distribution, Assessment para sa mga Batangueño PWDs, isinagawa
March 20, 2019
Serbisyong Pangkalusugan hatid ng Prov’l. Health Office
March 21, 2019

Batangueña Power. Halos isang libong Batangueño zumba enthusiasts ang nakisaya at nag-ehersisyo sa Indak Kababaihan 2019 sa Marble Terrace, Capitol Compound, Batangas City noong ika-17 ng Marso 2019. Pinangunan ang dance exercise nina Gov. DoDo Mandanas, 5th District Board Member Claudette Ambida-Alday at Board Member Bart Blanco. Batangas Capitol PIO – Photo: Jenny Aguilera

Hatid nina 5th District Board Members Claudette Ambida – Alday at Arthur “Bart” Blanco, matagumpay na isinagawa ang Indak Kababaihan 2019, na nilahukan ng halos isang libong Batangueño zumba enthusiasts, sa Marble Terrace, Capitol Compound, Batangas City noong ika-17 ng Marso 2019.

Ang dance organization, na nasa ika-limang taon na ngayon, ay binubuo sa layuning mapanatili ang malusog at masiglang pangangatawan ng mga Batangueña sa pamamagitan ng regular na pagsasayaw ng zumba.

Idinaos ang dance exercise sa Batangas Capitol, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, KALIPI ng Batangas, Soroptimist, Indak Fitness at Barako Fitness Group.

Kaugnay rin ang aktibidad ng pagdiriwang ng Women’s Month na may temang “We Make Change Work for Women”.

Ang aktibidad ay malugod na sinuportahan ni Batangas Gov. DoDo Mandanas, na personal na nagpaabot ng kanyang pagbati sa mga kalahok, kasama ang ilang mga lokal na opisyal ng Pamahalaang Panlungsod ng Batangas. JHAY JHAY PASCUA/Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.