Inauguration, Blessing Ceremony ng Batangas Provincial Animal Health Center and Diagnostic Lab, Idinaos

Alay Lakad Scholars, Nakatangap ng Assistance
February 13, 2021
Alay na Dugo sa Araw ng mga Puso
February 16, 2021

February 16, 2021

Pinangunahan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William D. Dar ang pagbabasbas at pagpapasinaya ng bagong gawang Provincial Animal Health Center and Diagnostic Laboratory sa Office of the Provincial Veterinarian (OPV) Compound sa Diversion Road, Barangay Bolbok, Batangas City noong ika-11 ng Pebrero 2021.

Sa isinagawang ribbon-cutting at blessing ceremony, hinikayat ng kalihim na muling buhayin at palakasin ang hog industry sa Lalawigan ng Batangas.

Sang-ayon sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas, naipatayo ang gusali sa pagnanais na mapalawig pa ang iba’t-ibang veterinary services na hatid ng pamahalaang panlalawigan, sang-ayon sa ginagawang tuloy-tuloy na pagtugon nito sa monitoring and surveillance ng African Swine Fever (ASF) infections na malaki na ang epekto sa kabuhayan ng maraming local piggery owners.

Dito ay agarang masusuri ang mga alagang baboy kung ito ay nahawa o nagtataglay ng ASF Virus (ASFV). Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng ASFV Nanogold Biosensor Test Kits na ipagkakaloob ng DA sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa bansa, bilang bahagi ng programang Bantay ASF sa Barangay (BABay ASF), na nasa ilalim ng “Whole-of-Nation” measures ng kagawaran.

Kabilang sa mga naging saksi sa pagtitipon sina Gov. Mandanas, na dumalo via online video teleconferencing; Vice Governor Mark Leviste; Provincial Administrator Librado Dimaunahan; Provincial Veterinarian, Dr. Rommel Marasigan; at, mga kinatawang opisyal mula sa DA CALABARZON, Agricultural Training Institute – International Training Center on Pig Husbandry Center, National Livestock Program, at Regional Agricultural and Fishery Council.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Junjun De Chavez – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.