Inagurasyon ng mga Bagong Myembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas 2022-2025

Gov. DoDo, Muling Nanumpa sa Ika-anim na Pagkakataon Bilang Gobernador ng Batangas
July 5, 2022
EMERGENCY OPERATIONS CENTER (EOC) Management Training Hatid ng OCD-CALABARZON para Batangas
July 5, 2022

July 5, 2022

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN INAUGURATION SESSION 2022 – Inaugural Session ng 11th Provincial Board ng Batangas ginanap at dinaluhan ni Governor DoDo Mandanas noong ika-30 ng Hunyo 2022.
Larawan: Makikita sa larawan (itaas na bahagi mula sa kaliwa) sina Sangguniang Panlalawigan Secretary Nelson Bayani, BM Aries “Bibong” Mendoza, BM Carlo Roman “Junjun” Rosales, BM Alfredo Corona, BM Lydio Lopez, BM Oliver Macatangay, BM Wilson Rivera, BM Arthur “Bart” Blanco, BM Jesus “Jess” De Veyra, at BM Rodolfo “Rudy” Balba. (Ibabang bahagi mula sa kaliwa) BM Maria Louise Vale, BM Armie Marie Bausas, Vice Governor Mark Leviste, Governor DoDo Mandanas, BM Claudette Ambida, at BM Arlina Magboo.
✎Babylyn Coz-Paña / Photos: Eric Arellano & Junjun De Chavez
Batangas Capitol PIO

Pormal na isinagawa ang inaugural session ng 11th Provincial Board ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas noong ika-30 ng Hunyo 2022 sa Salvador H. Laurel Session Hall, Apolinario Mabini Legislative Building, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Ang nasabing paunang pagpupulong ay pinangunahan ni re-elected Vice Governor Mark Leviste, na nagbigay-daan upang opisyal na kilalanin ang mga bagong kasapi ng SP.

Kabilang sa mga bagong miyembro at magiging bahagi ng hanay ng mga kinatawan ng bawat distrito sina 1st District Board Member Armie Marie Bausas, na pamangkin ng nagtapos sa terminong si Bokala Glenda Bausas; ang nagbabalik na Board Member ng Ikatlong Distrito na si Alfredo Corona, na ama naman ng nagtapos ang terminong si Board Member Jhoanna Corona; at si interim o pansamantalang tumatayong President ng Philippine Councilors’ League – Batangas Federation Oliver Macatangay.

Muli naming nahalal para sa pagpapatuloy ng kani-kanilang mga termino sina 1st District Board Member Carlo Roman “Jun-jun” Rosales; 2nd District Board Members Wilson Rivera at Arlina Magboo; 3rd District Board Member Rodolfo “Rudy” Balba; 4th District Board Member Jesus “Jess” De Veyra; 5th District Board Members Claudette Ambida at Arthur “Bart” Blanco; at 6th District Board Members Lydio Lopez, Jr. at Aries “Bibong” Mendoza.

Kasama nilang patuloy na maglilingkod si Board Member Maria Louise Vale, na Sangguniang Kabataan – Batangas Provincial Federation President.

Naging bahagi rin at personal na nakiisa sa idinaos na sesyon si Governor DoDo Mandanas, na nagbigay ng mensahe sa mga mambabatas ng lalawigan, na sumentro sa sama-samang pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan.

Samantala, nagbigay rin naman ng kani-kanilang mensahe ang bawat isang miyembro ng SP, na pawang nagpahayag ng pasasalamat sa ibinigay na tiwala at suporta ng kanilang mga kababayan upang makapaglingkod.

Bagaman at hindi nakadalo ng personal si 4th District Board Member Jonas Patrick “JP” Gozos sa sesyon, at naunang inagurasyon at oath taking na ginanap sa Dream Zone, nakaantabay naman ito sa pamamagitan ng online teleconferencing.

Babylyn Coz-Paña – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.