Implementasyon ng Universal Health Care sa Lalawigan ng Batangas, tinalakay ng Provincial Health Board

Notice of Vacant Position
November 19, 2019
Batangas Health Program Ordinance, naipasa na
November 20, 2019

November 20, 2019

Matapos pormal na lagdaan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Universal Health Care (UHC) Law o Republic Act 11223 noong ika-10 ng Oktubre 2019, minarapat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Health Board (PHB), na talakayin at bigyang pansin ang ilang mga salient points ng naturang batas para sa mas mabilis at epektibong implementasyon nito.

Dumalo sa nasabing pagpupulong, na pinangungunahan ni Governor DoDo Mandanas, ang mga kinatawang opisyal mula sa Kapitolyo kasama ang Sangguniang Panlalawigan, Department of Health – Batangas, at mga kasaping Non-Government Organizations (NGOs) at Local Government Units (LGUs) noong ika-20 ng Nobyembre sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City.

Naging sentro ng talakayan ang masusing paghimay sa ilang mahahalagang paksa na tutugon para baguhin ang health system, sang-ayon sa batas, upang ang lahat ay makakuha ng dekalidad at abot-kayang mga serbisyong pangkalusugan at pangangailangang medikal na hindi nahihirapan sa pinansiyal na aspeto.

Binigyang-linaw din ang Organization of Local Health Systems o ang Integration of municipal and component cities upang makabuo ng isang province-wide health system, restructuring of the Provincial Health Office in accordance with the Law, at ang pagtalakay sa Special Health Fund.

Matatandaan na ang UHC ay naisabatas noong ika-20 ng Pebrero ng taong ito, na layong mabigyan ng pangkalahatang health care coverage ang lahat ng mga Filipino sa pamamagitan ng pagiging awtomatikong miyembro sa National Health Insurance Program, na pamamahalaan ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.