Ilang Infra Projects ng Kapitolyo sa 1st, 4th at 5th Districts Natapos na

BAYANIHAN GRANT TO PROVINCES – Report on Fund Utilization of Program / Activity Implementation for the Month of December 2021
January 24, 2022
ANNUAL PROCUREMENT PLAN FOR FY 2022
January 28, 2022

January 24, 2022

Sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas, tiniyak ng Provincial Engineering Office (PEO), sa pangunguna ni Engr. Gilbert P. Gatdula, na tuloy-tuloy ang mga mahahalagang proyektong pang-imprastraktura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na nakahanay sa kanilang programang “Handog Imprastrakturang Maayos,” sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, batay sa bagong inilabas na ulat ng tanggapan, ilang Barangay/Farm to Market Roads na ang naisaayos at natapos sa Ika-apat na Distrito ng lalawigan, kabilang ang sa Barangay Macalamcam A ng Rosario; at Barangay Talahiban I sa San Juan.

Natapos na rin ang Barangay/Farm to Market Road sa Ika-limang Distrito ng lalawigan, kabilang ang sa Barangay Banaba East sa Lungsod ng Batangas. Dagdag pa rito ang pagpapatayo ng Footbridge sa bahagi ng Barangay Tabangao -Ambulong (Phase II).

Bukod dito, upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan, patuloy din ang pagpapatayo ng mga Street Lighting System sa mga panlalawigang kalsada sa Ika-apat na Distrito sa bahagi ng Barangay Quilo-Quilo North sa Padre Garcia.

Samantala, natapos na ang pagpapatayo sa Home Economics Building ng Nasugbu East Central School sa Unang Distrito ng lalawigan na matatagpuan sa Barangay Lumbangan sa bayan ng Nasugbu.

Janssen Olimba – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.