Ika-122 na Araw ng Kalayaan, Ginunita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Gov Mandanas: Tuloy-tuloy pa rin ang Programang Pang-edukasyon sa Lalawigan; Pamamahagi ng ICT Equipment ng Kapitolyo, Palalawigin
June 9, 2020
Notice of Award – Repair and Maintenance of District Hospitals
June 15, 2020

June 12, 2020

Sa isang simpleng selebrasyon, ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang ika-122 na Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Pinangunahan nina Vice Gov. Mark Leviste at 5th District Senior Board Member Claudette Ambida-Alday ang pag-awit ng Lupang Hinirang, habang itinataas ang bandilang sagisag ng kasarinlan ng bansa, sa Marble Terrace ng Capitol Compound.

Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Kalayaan 2020: Tungo sa Bansang Malaya, Nagbabayanihan at Ligtas,” na nakasentro sa taos-pusong pasasalamat sa dakilang serbisyo ng mga frontliners sa paglaban sa COVID-19 disease.

Ipinaabot naman ni Gov. DoDo Mandanas, sa isang mensahe, na kaisa ang mga Batangueño sa walang humpay na pagtatanggol sa ating demokrasya, na ngayong panahon ng pandemya, ay kaakibat pa ang patuloy na pagsisikap para ang bawat isa ay manatiling malusog at ligtas.

Pagkatapos nito, nag-alay ang mga opisyal ng lalawigan ng mga bulaklak sa Bantayog ng Kagitingan, na nasa harap ng Apolinario Mabini Legislative Building. Ang bantayog na ito ay itinatag noong taong 2002, bilang pagkilala at pagpapahalaga sa mga kabayanihan ng mga beterano ng digmaan mula sa Lalawigan ng Batangas.

Kabilang sa mga nakiisa sa pagtitipon, na sumunod sa mga itinakdang patakarang pangkalusugan, sina Atty. Genaro Cabral, department head ng tanggapan ng Provincial Public Order and Safety; Colin Garcia, kinatawan ng tanggapan ng Provincial Administrator; at mga kawani ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office.

VIA – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.