Huwarang Pantawid Pamilya 2024 sa Lalawigan ng Batangas, kinilala, pinarangalan ng Kapitolyo

Pinaka-unang DTI Bagong Pilipinas Luzon Town Hall Meeting, ginanap sa Batangas Capitol
July 18, 2024
Gov. DoDo nakiisa sa 1st Southern Tagalog Livestock, Poultry & Aqua Congress
July 19, 2024

July 19, 2024

Tinanghal na Huwarang Pantawid Pamilya 2024 sa Lalawigan ng Batangas ang Alvarez Family mula sa Bayan ng Lemery matapos ang isinagawang Provincial Screening ng Huwarang Pantawid Pamilya 2024 na ginanap sa GAD Conference Room ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Capitol Compound, Batangas City nitong ika-12 ng Hulyo 2024.

Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, nahirang din bilang mga huwarang pamilya ang Hitosis Family mula sa Bayan ng Ibaan, bilang 2nd placer; Sultan Family ng Lungsod ng Lipa, bilang 3rd placer; at, ang Bobadilla Family mula sa bayan ng Sta.Teresita ang naging 4th placer.

Ayon sa PSWDO, na pinamumunuan ni Ginang Florita C. Lachica, ang Pamilya Alvarez at Hitosis, na nagwaging 1st at 2nd placers, ang magiging kinatawan ng lalawigan sa regional search ng Huwarang Pantawid Pamilya 2024.

Ang programa ay sumasalamin sa mga pamilyang nagpakita ng kahanga-hanga at magandang ehemplo sa komunidad, at tumutulong sa mga aktibidad ng kani-kanilang barangay upang makahimok pa sa mga kababayan tungo sa mga magagandang gawain.

Tumanggap ng ₱5,000, ₱3,500, ₱2,500 at ₱1,500 ang mga pamilyang nanguna hanggang sa nagwagi ng ika-apat na puwesto, sang-ayon sa pagkakasunod.

Naging katuwang ang pamahalaang panlalawigan, sa pangununa nina Gov. Hermilando I. Mandanas at PSWDO chief Florita C. Lachica, ng Huwarang Pamilya Committee sa pagbibigay ng Certificates of Recognition at cash awards sa mga nahirang na Huwarang Pantawid Pamilyang Pilipino. Macc Venn Ocampo – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.