Huwarang Pamilyang Batangueño 2018, Kinilala

2nd Batangas Convergence Congress, Idinaos
September 26, 2018
Batangas Provincial Jail, Nagbigay Ulat
October 1, 2018

PAMILYA – Tanglaw ng Liwanag, Kagalakan ng Pag-ibig. Muling kinilala ng Pamilyang Huwaran sa Lalawigan ng Batangas Incorporated o PHLBI, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang paggagawad ng parangal sa mga Huwarang Pamilyang Batangueño noong ika-24 ng Setyembre 2018 sa Batangas Pastoral Center, Basilica of the Immaculate Concepcion. Nakamit ng pamilya nina Mr. Mansueto Camilan at Mrs. Eva Camilan na nagmula sa Brgy. San Isidro, Taysan, Batangas ang 1st Place at titulo bilang 2018 Huwarang Pamilyang Batangueño. Kasama sa larawan sina Gov. Dodo Mandanas at PHLBI President Reverent Gregorio V. Aguila, Jr. Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

September 26, 2018

PAMILYA – Tanglaw ng Liwanag, Kagalakan ng Pag-ibig. Muling kinilala ng Pamilyang Huwaran sa Lalawigan ng Batangas Incorporated o PHLBI, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang paggagawad ng parangal sa mga Huwarang Pamilyang Batangueño noong ika-24 ng Setyembre 2018 sa Batangas Pastoral Center, Basilica of the Immaculate Concepcion. Nakamit ng pamilya nina Mr. Mansueto Camilan at Mrs. Eva Camilan na nagmula sa Brgy. San Isidro, Taysan, Batangas ang 1st Place at titulo bilang 2018 Huwarang Pamilyang Batangueño. Kasama sa larawan sina Gov. Dodo Mandanas at PHLBI President Reverent Gregorio V. Aguila, Jr. Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Alinsunod sa Proclamation No. 60 of 1992, ang huling linggo sa buwan ng Setyembre bawat taon ay itinakda ng pamahalaan bilang Family Week. Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Pamilya ay isinasagawa upang kilalanin ang Pamilyang Pilipino bilang pundasyon ng bansa at isang pangunahing institusyong panlipunan.

Kaugnay nito, bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, muling isinagawa sa ika-23 taon ang paggagawad ng parangal sa mga Huwarang Pamilyang Batangueño na ginanap noong ika-24 ng Setyembre 2018 sa Batangas Pastoral Center, Basilica of the Immaculate Concepcion.

Ang programang ito ay taunang isinasagawa sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Jocelyn R. Montalbo kung saan kinikilala ang mga natatanging pamilya sa lalawigan para sa kanilang kagalingan at pagsisikap sa kabila ng pagkakaroon ng mga hamon at sa pagiging simple sa pamumuhay.

Ang naturang pagdiriwang ay naka-sentro sa temang “PAMILYA – Tanglaw ng Liwanag, Kagalakan ng Pag-ibig”.

Binigyan ng parangal sa okasyon ang mga huwarang pamilya sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa Batangas Province na magsisilbing modelo sa ibang mamamayan dahil sa pagpapakita ng mabuting halimbawa, hindi lamang sa kanilang sariling tahanan, kung hindi pati na rin sa kanilang pamayanang nasasakupan.

Kinilala bilang Huwarang Pamilya 5th Placer sina Mr. Lamberto Abacan at Mrs. Teodora Abacan ng Brgy. Conde Labac, Batangas City na naguwi ng Php10,000.00. Nakuha naman nina Mr. Florencio Encarnacion at Mrs. Erlinda Encarnacion ng Brgy. Sampaloc, Talisay, Batangas ang 4th Place na may halagang Php15,000.00. 3rd Place naman ang pamilya nina Mr. Manuel Carandang at Mrs. Felisa Carandang ng Brgy. Banjo East Tanauan City, Batangas na naguwi ng Php20,000.00. Ang pamilya nina Mr. Julie Ticatic at Mrs. Carmelita Ticatic ng Brgy. 1, Mataas na Kahoy, Batangas ang naging 2nd Placer at naiuwi ang halagang Php25,000.00

Itinanghal naman bilang 1st Place at nakakuha ng titulong Huwarang Pamilyang Batangueño 2018 sina Mr. Mansueto Camilan at Mrs. Eva Camilan na nagmula sa Brgy. San Isidro, Taysan, Batangas at nagkamit ng premyong Php30,000.00.

Sa naging panayam ng radio program na B’yaheng Kapitolyo kay Reverent Gregorio V. Aguila, Jr. pangulo ng Pamilyang Huwaran sa Lalawigan ng Batangas Incorporated (PHLBI), nagsimula ang Huwarang Pamilya sa lalawigan noong taong 1995 sa ilalim ng unang termino at panunungkulan ni Gov. Dodo Mandanas.

Ito ay binuo katulong ang mga kinatawan ng iba’t-ibang pribadong sektor at ahensya ng gobyerno kung saan ang layunin ay makahanap sa mga bayan at lungsod ng mga pamilyang magsisilbing ilaw at asin upang maging modelo sa mga mamamayan na magsikap na mapalakas at mapanatiling matatag ang kanilang mga pamilya tungo sa isang mapayapa, maunlad at higit sa lahat naka sentro sa Panginoon na lipunan. – Mark Jonathan M. Macaraig, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
12

Comments are closed.