Higit 500 na Seedlings Itinanim sa Taysan, Batangas

Banta ng Pesteng Kurikong sa mga Manggahan Tinutukan ng Provincial Agri Office
August 7, 2021
Higit 500K na mga Batangueño, may Bakuna na Kontra COVID-19
August 7, 2021

August 7, 2021

Mahigit 500 na mga forest seedlings ang itinanim kamakailan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), katuwang ang mga kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Taysan at mga non-government organizations, sa paligid ng San Lorenzo Ruiz Parish Church sa Taysan, Batangas.

Kasama ng PGENRO sa aktibidad ang mga kasapi ng nasabing parokya, sa pangunguna ni Fr. Julius Lacaran; mga kabataan; mga miyembro ng 4Ps mula sa mga Barangay ng Bacao, Piña, Laurel, Dagatan at Mapulo, Taysan; mga kawani ng pamahalaang bayan; at mga empleyado ng JG Summit Petrochemicals Group at Republic Cement and Building Materials, Inc. (RCBMI) Batangas Plant, na nagkaloob ng mga itinanim na punla.

Ang mga seedlings na itinanim ay kinabibilangan ng mga puno ng Balayong, Caballero, Molave at Narra, at mga fruit-bearing trees tulad ng Cacao, Calamansi, Dalandan, Guyabano, Kasoy, Mangga at Rambutan

Kahit sa panahon ng pandemya, tuloy-tuloy ang PGENRO, sa patuloy na direktiba ni Governor DoDo Mandanas, sa pakikipag-ugnayan para sa pagtatanim ng mga halaman at punong kahoy tungo sa isang maayos, malinis at luntiang kapaligiran sa buong Lalawigan ng Batangas.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.