High Value Crop training, ginanap sa San Pascual

OB Pagsasarili Family Day, ipinagdiwang sa Kapitolyo
September 23, 2019
Commercial fishing vessel para sa Recto Bank Survivors iginawad
September 24, 2019

September 24, 2019

Ginaganap ang Farmers’ Field Day, sa pangunguna ng Department of Agriculture Region IV-A (DA-4A), katuwang Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at Office of the Municipal Agriculturist ng San Pascual, sa Barangay Ilat North, San Pascual, Batangas noong ika-24 ng Septyembre 2019.

Hangad ng Farmer’s Field Day ang mapalaganap ang organic farming sa Lalawigan ng Batangas at mabigyan ang mga magsasaka dito ng sapat na kaalaman sa mga makabagong pamamaraan ng pagsasaka sa tulong ng teknolohiya.

Ang pagsasanay ay pinangunahan ni Hilario Cotoner, focal person for vegetable ng DA-4A, na nagturo tungkol sa vegetable production ng high-value crops, gaya ng cucumber o pipino, na napiling vegetable crop recipient ng programa.

Saklaw ng pagsasanay ang pamamahagi ng agricultural inputs, tulad ng mga binhi, organic fertilizer, at technical assistance.

Hinikayan naman ni Assistant Provincial Agriculturist Luz M. Labit ang mga farmer-trainees na pag-aralan at gamitin ang mga makabago at organikong pamamaraan ng pagtatanim upang tumaas ang kanilang ani at mapalaki ang kita sa vegetable production.

Ang Farmers Field day sa Bayan ng San Pascual ang ika-5 sa serye ng nasabing programa sa lalawigan, na nauna nang naisagawa sa Batangas City, tungkol sa ampalaya; Rosario, tungkol sa sili; Padre Garcia, tungkol sa sitaw; at, Agoncillo, tungkol sa ampalaya.

Bryan Mangilin – Batangas PIO CAPITOL

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.