Help in Motion Medical Services Assistance ng Kapitolyo, mas Pinagtitibay Kasama ang Private Medical Hospitals at Laboratories

Laptop para sa Public School Teachers, Patuloy na Ipinamamahagi ng Kapitolyo
May 1, 2021
DSWD, DTI, Namahagi ng Face Masks sa Taal Evacuues sa Talaibon Interim Homes
May 9, 2021

May 1, 2021

Isang kasunduan ang kasalukuyang pinagtitibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga pribadong ospital at medical laboratories sa Batangas Province upang mas mapalawak ang koordinasyon at pagtutulungan sa pagtugon sa Covid-19 virus, sa proyektong Help in Motion Medical Services Assistance.

Ito ang naging sentro ng isinagawang virtual meeting noong ika-23 ng Abril 2021, kung saan sumang-ayong magbigay ng ancillary o primary care services at mga pasilidad sa pamahalaan ang ilang tertiary level hospitals para sa mga pasyente.

Sang-ayon ito sa Resolution No. 425-2021 ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, na ipinasa noong ika-5 ng Abril 2021, na nagbibigay ng awtorisasyon kay Gov. DoDo Mandanas na pumasok sa kasunduan para sa implementasyon ng mga programang nakatuon sa medical at social service assistance para sa mga Batangueño.

Dumalo ang mga private hospital directors, administrators, medical social workers, billing officers of hospitals at laboratories sa pagpupulong, na pinangunahan ng mga kinatawan ng Batangas Capitol, kabilang sina Chief of Staff at Provincial Information Officer, Mrs. Maria Isabel Bejasa; Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta; Provincial Budget Officer Vicky Culiat; Provincial Accountant Marites Castillo; at, Provincial Treasurer Fortunata Lat.

Sasagutin naman ng pamahalaang panlalawigan ang mga special procedures at laboratory examinations ng mga pasyente sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office, ang hospital bills ng mga pasyente at babayaran sa loob ng 15 araw mula sa pagkakatanggap ng Satement of Account galing sa mga pribadong ospital.

Kaugnay din ito sa direktiba ni Governor Mandanas patungkol sa patuloy na pagpapalakas ng koordinasyon para sa mas epektibong pagpapatakbo at implementasyon ng mga proyekto at aktibidad na may kinalaman sa isolation facilities, referral system at ugnayan ng local government units at ng Kapitolyo.

Jayne Elarmo – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.