Health Workers ng Batangas Binigyang Kaalaman sa Brief Tobacco Intervention Program

Basic Accounting Itinuro ng PCLEDO sa Coop Members
June 6, 2018
Water Filtration Machine, Inihandog sa Tingloy
June 8, 2018

June 7 , 2018

Sumailalim sa dalawang araw na oryentasyon noong ika- 7at 8 ng Hunyo 2018 ang mga medical personnel ng Lalawigan ng Batangas, kabilang ang mga Municipal Health Officers; City Health Officers; at mga Public Health Nurses mula sa mga District Hopitals at Rural Health Units para sa Brief Tobacco Intervention Program na hatid ng Department of Health (DOH) Region 4-A, sa pakikipagugnayan at pakikiisa ng Batangas Provincial Health Office.

Isa sa mga binigyang diin sa oryentasyon ay ang mahigpit na pagpapatupad ng Executive Order No. 26 na pinamagatang Providing for the Establishment of Smoke-Free Environments in Public and Enclosed Places, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-16 ng Mayo 2017. Ito ang batas na mahigpit na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.

Ayon sa DOH, marami pa rin sa mga Pilipino ang hindi sumusunod ditto, kabilang ang ilang mga kawani ng mga tanggapan ng gobyerno.

Sa panayam kay DOH Senior Health Program Officer Ma. Theresa Malubag, nagbibigay sila ng kaalaman sa mga local health workers upang makatulong sila na alisin at itigil na ng permanente ang bisyo ng paninigarilyo ng kanilang mga kababayan sa mga pamayanan at pigilan ang mga indibidwal na hindi pa naninigarilyo na subukan pa ang nasabing bisyo.

Aniya, sa ilalim ng programa, ang isang pasyente na magpapatingin ng anumang uri ng sakit sa mga hospital ay sasailalim sa mga maikling serye ng mga katunungan upang alamin ang smoking history nito ganun na rin ang kaniyang miyembro ng pamilya.

Sa oras na sumang-ayon sa Brief Tobacco Intervention and Smoking Cessation Program, ang mga indibidwal ay bibigyan ng mga self help materials at professional medical advice and counselling na hatid ng mga health institutions sa kanilang lugar.

Ang ganitong paraan, ayon kay Malubag, ay isang magandang hakbang upang mabawasan, hindi man mabilisan, ang adiksiyon ng mga smokers sa tobacco products at mabawasan ang bilang ng tobacco dependants sa lalawigan at sa buong bansa.

Tinalakay din sa pagsasanay ang Briefer on Intervention to Nicotine Addiction and Essential intervention Program ni Dr. Marilou Espiritu, Medical Officer III ng Health and Wellness Program ng DOH Region 4-A, na nagpapakita ng masamang epekto ng paninigarilyo na nakapaloob sa Three Links of Tobacco Dependence o ang Biological dependence, Psychological dependence at Socio-Cultural factors. – Edwin V. Zabarte – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.