September 18, 2024
Isang Basic Life Support Provider’s Course ang isinasagawa ng Batangas Provincial Health Office (PHO) mula ngayong araw, ika-18 ng Setyembre, hanggang bukas, ika-19 ng Setyembre 2024, sa PHO Building, Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.
Sumailalim at nakiisa sa nasabing pagsasanay ang 11 nurses na kinatawan ng iba’t ibang mga district hospitals ng lalawigan, na malugod na tinanggap at binati ng pamunuan ng PHO, sa pangunguna nina Assistant Department Heads, Dr. Gerald G. Alday at Dr. Rosalie A. Masangcay, at Dr. Josephine C. Gutierrez.
Layunin ng pagsasanay na madagdagan at mai-update ang mga kaalaman ng mga nasabing health care providers sa mga makabagong gabay at kagamitan na ginagamit sa mga pangunang lunas sa panahon ng emergency at kalamidad.
Kabilang sa mga tinalakay sa nasabing course ang Emergency Action Principles & Introduction to Basic Life Support, Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) & Automated External Defibrillator Application, at Foreign Body Airway Obstruction (FBAO) Management and Rescue Breathing.
Matapos ang mga presentasyon, isinagawa ang demonstrasyon o exercise activities at isang open forum upang masukat ang antas ng kaalaman ng mga kalahok, ayon sa mga natutunan at natandaan ng mga ito. Froilan Salcedo – Batangas Capitol PIO