Hatid na serbisyo sa Handog ng Pangulo, tagumpay sa Kapitolyo

Supplemental Bid No. 3 for Projects Number O-009, O-017, O-018, O-021, O-022, O-045 (September 19, 2024)
September 12, 2024
Notice of Vacant Positions
September 16, 2024

September 14, 2024

Naging matagumpay ang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa isinagawang “Handog ng Pangulo: Serbisyong Tapat Para sa Lahat” sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas ngayong araw ng Biyernes, ika-13 ng Setyembre 2024.

Katuwang ang mga tanggapan at ahensya ng pamahalaang nasyunal, naghandog ng iba’t ibang serbisyo publiko ang pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, sa Simultaneous Conduct ng Nationwide Distribution ng Comprehensive Government Assistance, kasabay ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Laurel Park sa Kapitolyo ng Batangas.

Isang hybrid na pagtitipon ang ginanap sa Provincial Auditorium kung saan sama-samang sinaksihan ang sabay-sabay na mga aktibidad sa buong bansa sa pamamagitan ng online video conferencing, kabilang ang mensahe ni Pangulong Marcos, na kinatawan naman sa pagtitipon sa Batangas ni Finance Secretary Ralph G. Recto.

Binuksan ang Community Food Market, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist, bilang Kadiwa ng Pangulo, samantalang namahagi naman ng libreng lugaw ang Mobile Kitchen ng Provincial Social Welfare and Development Office at nagbakuna Pneumococcal vaccine, na kontra pneumonia, meningitis at sepsis, ang Department of Health CALABARZON.

Naghatid din na kani-kanilang serbisyo ang National Bureau of Investigation, TESDA Batangas Provincial Office, PAG IBIG Batangas, SSS, GSIS, Philippine Statistics Authority, PHILHEALTH, Department of Labor and Employment, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry – Batangas, Department of Information and Communications Technology, DILG Batangas, DSWD Field Office IV-A, Philippine National Police.

Naipamahagi rin, kasabay nito, ang tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa 703 na mga benepisyaryo.

Nakiisa rin sa halos maghapong aktibidad sina Vice Gov. Mark Leviste, 5th District Senior Board Member (BM) Claudette Ambida, 5th District BM Bart Blanco, 2nd District BM Wilson Rivera, Provincial ABC President BM Fernan Rocafort, AnaKalusugan Congressman Ray Reyes, at mga pinuno at kinatawan ng mga national agencies at tanggapan ng pamahalaang panlalawigan. V. Altar / Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.