Harvest Field Day ng Maliputo Grow Out Culture Project sa Lipa, idinaos

Vacant Positions in Provincial Government of Batangas (March 3, 2025)
March 3, 2025
Vacant Positions in Provincial Government of Batangas (March 5, 2025)
March 5, 2025

March 4, 2025

Matagumpay na isinagawa ang Harvest Field Day para sa Maliputo Grow-Out Culture project na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) nitong ika-4 ng Marso 2025 sa Sitio Tagbakin, Brgy. Halang sa Lungsod ng Lipa.

Ang proyektong pagpapalaki ng mga Maliputo sa fish cages, na nagsimula sa nasabing barangay noong Agosto 2024, ay naglalayong mabigyan ng mapagkakakitaan ang mga mangingisda na kasapi ng Kilusan ng mga Maliliit na mga Mangingisda sa Lawa ng Taal (KMMLT) – Lipa City Chapter .

Sa implementasyon nito, dumaan ang mga Batangueño fisher folks sa mga proseso at pagsasanay para sa matibay na pagtataguyod ng Maliputo fish farming, sa ilalim ng paggabay ng mga eksperto mula sa OPAg at Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Kabilang ditto ang paggamit ng wastong fish cages, pagsasanay sa teknolohiya at proseso ng pagpapadami ng maliputo fingerlings, growth monitoring, marketing and evaluation and fishery agricultural inputs.

Isa ang pagpapalakas ng aquaculture industry sa tinutukan ng pamahalaang panlalawigan, sa pamumuno ni Batangas Governor Hermilando Mandanas, bilang tugon sa direktiba para sa food security, sa pamamagitan ng Province-led Agriculture and Fisheries Extension System (PAFES).

Layunin ng PAFES ang magkaroon ng maayos na programa at malakas na pag-uugnayan ng mga lokal na pamahalaan, mga nasyunal na ahensya, pribadong sektor at fisher folk organizations upang maisulong ang mga “livelihood opportunities” para sa mga mangingisdang Batangueño.

Dumalo at sumaksi sa harvest field day sina Batangas Association of Barangay Captains President –Board Member Fernan Rocafort, Lipa City Agriculturist Lorelei A. Villa Del Rey, Lipa City Councilor King Umali, Taal Volcano Protected Landscape (TVPL) Protected Area Superintendent Jasmin Andaya, BFAR Batangas Provincial Fishery Officer Kristine Escosura, at mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan. / Edwin V. Zabarte/ Photos by Armando de Chavez jr.- BatangasPIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.