“Halina Ika’y Magtanim” Program ng Kapitolyo, Inilunsad

MOA para sa Implementasyon ng Yakap Bayan Program sa Batangas, Nilagdaan
May 29, 2021
Gov. DoDo: Agri Projects and Interventions ng Batangas, mas Pinaigting sa Panahon ng COVID-19
May 29, 2021

May 29, 2021

Matagumpay na nailunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang “Halina Ika’y Magtanim” Program, na inisyatibo ni Governor Hermilando “Dodo” I. Mandanas, noong ika-28 ng Mayo 2021.

Ang online project launching ay pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist, sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Rodrigo M. Bautista, Jr.

Lumahok at nakiisa dito ang mga Municipal at City Agriculturists ng lalawigan, mga pangulo ng Provincial Federation ng Pambansang Mannalon-Maguuma-Magbabaul-Magsasaka ng Pilipinas (P4MPs), Rural Improvement Club (RICs), 4H-Clubs, Agricultural and Fishery Councils (AFCs) at mga representatives mula sa ahensiya ng Philippine Coconut Authority.

Ang proyektong ito ay sumusuporta sa PLANT.PLANT.PLANT Program ng Department of Agriculture.

Hinikayat ni Governor Mandanas ang mga dumalo na makiisa sa pagpapaunlad ng agrikultura at sama-samang labanan ang suliraning dulot ng pandemya sa pamamagitan ng pagtatanim at pagsisiguro na may masusustansiya at sapat na pagkaing inihahain sa hapag ng bawat pamilya.

Bilang tugon sa suliranin ng mga magsasaka, partikular sa marketing, sinisikap din aniya ng pamahalaang panlalawigan na agarang maisakatuparan ang planong Regional Food Terminal sa Lungsod ng Batangas at Agricultural Trading Center sa Ibaan, kung saan hindi lang mga Batangueño ang makikinabang, kung hindi pati na rin ang mga karatig probinsiya.

Madali ring naiparating ng mga katuwang sa agrikultura mula sa mga pamahalaang lokal ng probinsya ang kanilang mga kahilingan, suhestiyon, at pakikipagkaisa sa Kapitolyo para sa mas ikauunlad pa ng agrikultura sa Lalawigan ng Batangas.

Batangas Provincial Agriculture Office – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.