Graduation Ceremony ng Farmers’ Field School for Good Agricultural Practices ginanap sa Batangas Provincial Agri

Konstruksyon ng Batangas Capitol Evacuation Center, Aarangkada na
August 9, 2018
Gov. Dodo, Inimbita ng Senado para sa Pagdinig tungkol sa IRA
August 9, 2018

August 9, 2018

Matagumpay na nakatapos sa labing anim na linggong pagsasanay ang 27 farm workers ng Office of the Provincial Agriculture (OPA) sa ilalim ng Farmers Field School for Good Agricultural Practices on Vegetables.

Ang pagsasanay na magkabalikat na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor, at ng Agricultural Training Institute ay naglalayong madagdagan ang kaalaman ng mga farm workers na ito sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga gulayan mula sa tamang pagpili ng mga gagamiting binhi, pagtatanim , mga wasto at organikong pataba hanggang sa pag-aani.

Sa isinagawang Graduation Ceremony noong ika-9 ng Agosto 2018 sa Demo Farm ng OPAg, Diversion Road, Bolbok, Batangas City, ipinahayag ni Assistant Provincial Agriculturist Celia Tenorio na ang mga nagsipagtapos ang siya namang sunod na magtuturo at aagapay sa mga magsasaka ng lalawigan sa mga wasto at makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng gulay.

Ang kursong ito ay siyang naglilinang sa mga vegetable trainers na mangunguna sa pagpapatupad ng mga components at mga bagong teknolohiya ng High Value Crops Development Program upang makapagbahagi ng kaalaman sa mga lokal na magsasaka sa buong lalawigan. Ang pagsasanay ding ito ay makakatulong sa pagsasaayos ng proseso sa pag-preserba ng mga prutas at gulay para mas maging kapakipakinabang kapag dinala na ang mga ani sa merkado. – JHAY ¬JHAY B. PASCUA – PIO CAPITOL

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.