Gov. Mandanas, Speaker sa Online Forum ng LPU Batangas, UP Online University

Notice of Award – Purchase of 4,680 tablets of Favipiravir 200 mg for use of patients confined at Batangas Province COVID facilities
September 23, 2021
Batangas Capitol, Nakiisa sa Pagdiriwang ng 121st Civil Service Anniversary
September 25, 2021

September 25, 2021

Ang layunin ng petisyon sa Korte Suprema ay hindi lamang para mapalaki o mapataas ang pondo ng mga local government units (LGUs), kung hindi upang mabigyan ng pagkakataon ang mga LGUs na maisakatuparan ang mga serbisyong dapat ay natatanggap ng mga tao.

Ito ang binigyang-diin ni Batangas Governor DoDo Mandanas sa isinagawang online forum, na pinamagatang “The Mandanas Ruling and the Full Devolution Directive: Implications to the Local Governance Instruction and Research in Philippine Public Administration Education,” isang joint undertaking ng Lyceum of the Philippines University Batangas (LPUB), University of the Philippines Open University – Management and Development Studies Faculty, at Association of Schools of Public Administration in the Philippines noong ika-23 ng Setyembre 2021.

Sa harap ng mga miyembro ng academe, ibinahagi ni Gov. Mandanas ang detalye ng mga petisyong isinampa niya at ng kanyang mga kasamahan sa Korte Suprema. Kinatigan naman ng korte ang nasabing mga petisyon, at itinakdang, sang-ayon sa 1987 Constitution, dapat manggagaling sa lahat ng national taxes, hindi lamang mula sa National Internal Revenue taxes na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR), ang kabahaging pondo ng mga LGU.

Tinalakay ito kaugnay ng Executive Order 138 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatakda sa “Full Devolution of Certain Functions of the Executive Branch to Local Governments, Creation of a Committee on Devolution, and for other purposes.” Dahil sa EO 138, inaasahang matitiyak na ang pagsasakatuparan ng desentralisasyon ng pamahalaan, na nakasaad sa 1987 Constitution at LGC, kabilang ang pagtaas ng kabahagi ng mga LGUs sa mga pambansang buwis, na itinadhana ng Supreme Court sa kanilang Mandanas Ruling noong ika-3 ng Hulyo 2018.

Nagbigay din ng kanilang reaksyon sa landmark ruling sina Dr. Antonino Aurelio, na bahagi ng graduate school faculty ng LPUB at kasalukuyang Vice Mayor ng Rizal, Laguna; Prof. Alicia Celestino ng National College of Public Administration and Governance ng UP Diliman; at Dr. Helario Caminero.

Ibinahagi rin ng mga miyembro ng academe na dapat mabigyan ang kanilang hanay ng pagkakataong makatuwang ng pamahalaan upang makapagbigay sila ng mga ideya sa pagpapatupad ng mga kapakipakinabang na mga programa at proyekto. Nabanggit din ang pangangailangang pag-aralang muli ang umiiral na formula ng pagtukoy sa tax shares para mas matulungan ang mga maliliit na LGUs na halos umaasa lamang sa internal revenue allotment.

Sa harap ng inaasahang mas malaking pondo ng mga LGUs, isinaad ng LPU Batangas faculty na mas mapaganda pa ang basic services upang mas mapataas ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Paliwanag ni Gov. Mandanas, ang mga LGUs ay naging pala-asa sa pamahalaang nasyunal dahil ang mga pondong dapat ay nakalaan sa kanila ay hindi naibibigay ng buo.

Sa pagsisimula ng implementasyon ng Mandanas Ruling sa 2022, makakaabot na sa mga LGUs aniya ang mas malaking halaga upang maisagawa ang mga wastong basic services para sa kanilang nasasakupan.

Paalala ng Batangas governor, ang mahalaga ngayon ay ang good governance at proper implementation ng mga proyekto ng mga LGUs, gamit ang karagdagang kabahagi sa mga nakokolektang buwis.

V. Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.