Gov. Mandanas: Sa Pananatili ng Batangas sa GCQ, Susunod Tayo sa Itinakda ng National IATF

Quarantine Protocols sa Harap ng Banta ng New COVID-19 Variants, Tinalakay ng Batangas Quarantine Bureau
February 5, 2021
Notice of Award – Purchase of 20,095 boxes Ascorbic acid 500mg +Zinc capsule, 100’s for distribution to Frontline Service Providers province wide
February 5, 2021

February 5, 2021

Ang National Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF-EID ang nagpapasiya at tumutukoy sa quarantine status ng mga lalawigan, batay sa kanilang sinusunod na criteria.

Ito ang ipinaliwanag ni Governor Hermilando “Dodo” Mandanas sa isinagawang regular na pagpupulong ng Batangas Provincial IATF noong Lunes, Pebrero 1,2021, kaugnay ng pananatili ng Batangas Province sa ilalim ng General Community Quarantine o GCQ hanggang katapusan ng kasalukuyang buwan.

Binigyang-diin ng gobernador na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang nasimulan nang polisiya ng pamahalaang panlalawigan na pagsunod sa mga ipatutupad ng pamahalaang nasyunal, sang-ayon sa mga pag-aaral at payo ng mga eksperto. Ito ay sa kabila ng pagtatanong aniya sa kanya ng Department of the Interior and Local Government at ni Presidential Spokeperson Harry Roque kung nais maghain ng apela ng pamahalaang panlalawigan upang maibaba ang quarantine status ng Batangas, na nagpapakita naman ng pagbaba sa bilang ng kaso ng nahahawa sa COVID-19.

Subalit ibinahagi rin ng gobernador na bibigyan ng Provincial IATF ng kaukulang approval at endorsement sa national IATF, kung may mga pamahalaang panlungsod at bayan sa lalawigan na nagnanais na maibaba ang kanilang quarantine status sa mas maluwag na Modified General Community Quarantine o MGCQ.

Binigyang paalala lamang niya na ang mga LGU na nag-apela sa kanilang quarantine status ang babalikat sa kung anuman ang mangyayaring kaukulang kahihinatnan o kalalabasan ng desisyon ng mga lokal na pamunuan na gawing mas maluwag ang regulasyon sa kanilang lugar.

Sa huling ulat sa pagpupulong noong ika-1 ng Pebrero, nagpahatid ng intensyong maghain ng appeal ang mga Bayan ng Lobo, Balayan, Lemery, Padre Garcia at San Pascual at Lungsod ng Lipa.

Jhun Magnaye – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.