Gov. Mandanas, nakiisa sa Batangas Housing Expo 2025

Librong “365 Stories” ipinamahagi ng Kapitolyo sa mga pampublikong paaralan ng lalawigan
January 14, 2025
FINANCIAL ASSISTANCE TO LOCAL GOVERNMENT UNITS, CHARGED AGAINST THE NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT FUND – Report on Fund Utilization and Status of Program/Project Implementation As of December 31, 2024
January 24, 2025

January 14, 2025

Isa si Batangas Governor Hermilando Mandanas sa mga naimbitahang panauhing pandangal sa ginanap na Ribbon Cutting Ceremony ng Batangas Housing Expo 2025 noong ika-14 ng Enero 2025 sa The Outlets Lipa, Lipa-Malvar, Batangas.

Ang Housing Expo 2025, na dinaluhan ng mga nangungunang housing developers, property specialists, real eastate professionals at builders, ay kinatampukan ng iba’t ibang housing initiatives na tutugon sa pagkakaroon ng maayos, moderno, at low-cost na pabahay. Kabilang dito ang mga makabagong pamamamaraan o innovative technology and solutions, tulad ng paggamit ng solar power.

Bilang tumatayong CALABARZON Regional Development Council chairperson, ibinahagi ni Governor Mandanas sa mga dumalo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malawak na oportunidad sa mga Batangueño pagdating sa mga programang may kinalaman sa pabahay.

Ayon pa sa gobernador, patuloy ang pagbuti ng pamumuhay sa Lalawigan ng Batangas, kasabay ng pagtaas ng antas ng mga real properties at estates sa probinsya. Isa aniya ito sa tungkulin at tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na pinatutunayan naman ng mga pagkilalang nakamit ng lalawigan mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

“Ang summit na ito ay tulay para sa local government at private sectors upang mas mapaunlad at mapaganda natin ang housing projects dito sa lalawigan…isa ito sa potensyal ng Batangas,” dagdag pa ni Gov. Mandanas.

Nakasama ni Gov. Mandanas sa pagtitipon sina Provincial Administrator Wilfredo Racelis, Provincial Tourism and Cultural Affairs Head, Dr. Katrin Buted, at Provincial Planning and Development Office OIC Marisa Mendoza. Nakiisa rin dito ang mga kinatawan at opisyal ng Department of Migrant Workers Region IV-A, DHSUD Region IV-A, Department of Trade and Industry – Batangas, at mga opisyal ng Pamahalaang Panlungsod ng Lipa, sa pangunguna ni Mayor Eric Africa. ✎: Mark Jonathan M. Macaraig / Photos: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.