Gov. Mandanas: Maibibigay ang IRA Backpay ng hindi Makakasama sa Ekonomiya ng Bansa

Notice of Vacant Position
July 13, 2018
Barako Hour, Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
July 16, 2018

July 16, 2018

Kabilang sa iminumungkahi ni Gov. Mandanas ang paglipat ng ibang serbisyong ibinibigay ng mga national agencies sa local government units upang mapalaki ang Internal Revenue Allotment ng mga LGUs nang hindi na kinakailangang dagdagan ang national budget. Binigyang-diin ng Batangas governor na ang hangad ng mga LGUs ay hindi ang mas malaking budget, kundi ang mas malaking bahagi ng umiiral na budget.

Ito ay bilang tugon sa agam-agam na sinasabi ng mga economists ng Department of Budget and Management at Department of Finance sa Supreme Court decision na nagsasabing ang wastong kabahagi ng mga LGUs o IRA ay dapat nanggagaling sa lahat ng national taxes at hindi lamang mula sa National Internal Revenue taxes na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon sa DBM at DoF, dahil sa landmark decision hinggil sa 2012 petition na pinangunanahan ni Gov. Mandanas, tataas ang budget deficit sa 6% ng GDP na may negatibong epekto naman sa investment confidence sa bansa. Nakikita rin nilang baka kailanganin pang mangutang ng national government para mabayaran ang tinatayang P1.5 Trillion IRA backpay.

Bilang petitioner, inilahad rin ni Gov. Mandanas na hindi naman kailangang bayaran ng buo kaagad ang IRA backpay. Maaari rin namang hatiin ang pagbibigay sa mga LGUs ng kakukalangan sa IRA. Halimbawa ay ipamahagi ito, aniya, sa loob ng 10 taon.

“Kung iisipin mo ang budget ng Pilipinas, na ngayon ay 3.75 Trillion, ‘yung P150 Bilyon ay hindi na ganung kalaki,” saad pa niya.

Dagdag pa niya, mas praktikal pa ngang i-devolve ang ilang gawain sa LGUs tulad ng pagbili ng mga fertilizers dahil mas alam ng mga nasa bayan-bayan ang wasto at kakailanganing produkto; at mga vaccines, na mas matimbang na ilipat ang pagbili sa mga LGUs.

Kabilang ang mga nabanggit na rekomendasyon sa liham na ipinadala ni Gov. Mandanas kay DBM Secretary Benjamin Diokno na humuhiling na isama sa 2019 National Budget ang P200 Bilyong kabahagi ng mga LGUs o IRA bago ito ipasa sa Kongreso para maaprubahan.

Nauna nang sinabi ni Gov. Mandanas na may oras pa para i-recast ang 2019 national budget sa pamamagitan ng paglilipat ng ibang pondong nasa national line agencies sa mga LGUs para sila na ang magpagawa ng mga kalsada, water systems, gamot, irrigation systems, at iba pa. – Batangas Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.