Free Civil Service Review, matagumpay na idinaos

55 mag-aaral, lumahok sa Diwang Batangueño Storytelling
March 1, 2019
Oathtaking Ceremony ng mga Opisyal ng Batangas Province Travel Agencies Association, ginanap sa Kapitolyo
March 4, 2019

Banaag Project. Halos 300 mamamayan ang nabigyan ng Free Civil Service Review na ginanap noong ika-3 ng Marso 2019, sa Bulwagan ng Batangan, Provincial Capitol Compound. ✎ JunJun De Chavez/ Photo: JunJun De Chavez. – Batangas Capitol PIO

March 3, 2019

Banaag Project. Halos 300 mamamayan ang nabigyan ng Free Civil Service Review na ginanap noong ika-3 ng Marso 2019, sa Bulwagan ng Batangan, Provincial Capitol Compound. ✎ JunJun De Chavez/ Photo: JunJun De Chavez. – Batangas Capitol PIO

Halos 300 mamamayan ang dumalo sa Free Civil Service Review na ginanap noong ika-3 ng Marso 2019 sa Bulwagan ng Batangan, Provincial Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Sa pangunguna ni Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson Clark Banaag ng Brgy. Sampaga, Lungsod ng Batangas, at sa suporta ni Gov. DoDo Mandanas at Sangguniang Panlalawigan, isinagawa ang ikalawang Banaag Project sa Kapitolyo.

Kabilang sa mga nakatanggap ng Free Civil Service Review ay mga estudyante, fresh graduates, at ilang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan na nagnanais pumasa sa Civil Service Exam na nakatakdang ganapin sa darating na ika-17 ng Marso 2019.

Pahayag ni Sk Chairman na pagbibigay ng libreng review ay upang matulungan ang mga kababayang Batangueño na pumasa sa Exam, mabigyan ng Eligibility, at magkaroon ng magandang trabaho.

Layunin ng Banaag Project na baguhin ang imahe ng SK na hindi lamang pagpipinta ng waiting sheds, at basketball courts ang gawain nito. Hinikayat din niya ang mga kapwa nya SK Chairpersons na gumawa ng mga kapakipakinabang para sa mga kabataan. JunJun De Chavez – Batangas Capitol PIO

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.