Gov. DoDo, pinangunahan ang Consultation Meeting sa Lobo

BM Magboo, isinusulong ang vaccine reinforcement sa lalawigan
September 26, 2019
2020-2022 Executive Legislative Agenda, binalangkas ng Batangas Capitol
September 27, 2019

September 27, 2019

Pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang isinagawang consultation meeting sa pagitan ng mga local officials, barangay captains at functionaries ng Bayan ng Lobo noong ika-26 ng Setyembre 2019 patungkol sa ilang mga mahahalagang adbokasiya at programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na nakatuon sa patuloy na pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng bawat isang mamamayan ng nasabing munisipalidad.

Ang naturang pagpupulong ay nakasentro sa mga pangunahing tinututukan ng administrasyong Mandanas o ang governance thrust na H.E.L.P. Program (Health, Education, Livelihood and Protection of Life, Property and Environment).

Kasamang nakiisa ni Governor Mandanas sa nasabing pagtitipon sina Vice Governor Mark Leviste, 2nd District Board Member Arlina Magboo, at ilang mga puno ng tanggapan ng pamahalaang panlalawigan.

Sa naging mensahe ng gobernador, ipinarating nito at inilatag ang mga proyektong inaasahang higit na magpapaunlad sa nasabing bayan, gaya ng pagtutok sa mga sebisyong pangkalusugan, imprastraktura, pangkabuhayan, edukasyon at turismo.

Kinilala rin ni Governor Mandanas ang pagiging huwaran at multi-awarded ng Lobo, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Gaudioso Manalo, hindi lamang sa maayos na panunungkulan, kung hindi pati na rin sa iba’t-ibang larangan tulad ng paglinang at pangagalaga sa likas na yaman, agrikultura, at ang pagpapalakas ng turismo.

Kaugnay nito, nangako ang gobernador na patuloy siyang susuporta upang higit pang makilala ang mga ipinagmamalaking tourist destinations ng nasabing bayan.

Ipinaabot din ni Governor Mandanas ang kaniyang pakikiisa sa selebrasyon ng Anihan Festival at ng ika-148th anibersayo ng pagkakatatag ng bayan. Sa huling bahagi, minabuti ng gobernador na mabigyan ng pagkakataong personal na maipaabot ng bawat isang kalahok sa nasabing consultation meeting ang kanilang mga katanungan at kahilingan.

Nauna nang nagsagawa ng katulad na consultation meeting sa Bayan ng Balayan ang pamahalaang panlalawigan noong August 20, 2019.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.