July 19, 2024
Naging pangunahing tagapagsalita si Governor Hermilando Mandanas sa ginanap na 1st Southern Tagalog Poultry and Aqua Congress sa Aquamarine Recreational Center sa Lungsod ng Lipa noong ika-18 ng Hulyo 2024.
Dinaluhan ang pagtitipon ng mga miyembro ng mga samahan ng swine, poultry and egg producers sa rehiyon, gayun din ng mga organisasyon ng mga feed millers, veterinary at animal nutrition practitioners, at iba pang mga stakeholders and government agency partners.
Ipinaabot naman ng gobernador ang buong suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa nasabing industriya, kung saan ang Batangas Province ay isa sa mga nangunguna sa buong Pilipinas.
Kabilang sa mga layunin ng regional congress na makapaghatid ng makabuluhang diskusyon at kaalaman patungkol sa animal nutrition and management, katulong ang mga eksperto sa idustriya.
Pinangunahan ito ng Southern Tagalog Feed Millers Association, sa pakikipagtulungan ng Animal Nutrition Practitioners Association of Batangas, Batangas Egg Producers Association, Philippine Veterinary Medical Association Batangas Chapter, the United Batangas Swine Raisers Association, Inc.
“Buhay na Buhay ang Agrikulturang Paghahayupan sa Timog Katagalugan” ang tema ng pagtitipon, na dinaluhan din ng iba pang opisyal ng Kapitolyo, kabilang sina Provincial Veterinarian, Dr. Rommel Marasigan, at Provincial Agriculturist, Dr. Rodrigo Bautista, Jr.
Kristal Cabello / Photos: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO