Gov. DoDo, Nakiisa sa 10th LPP General Assembly

Invitation to Submit Quotation – Shopping (March 4, 2022)
March 4, 2022
PHO: Bilang ng Nagpabakuna ng Booster Shot, Mababa pa Rin
March 5, 2022

March 5, 2022

Naging makabuluhan ang isinagawang 10th General Assembly ng League of the Provinces of the Philippines (LPP) matapos maging highlight na aktibidad ang patuloy na pagtalakay sa Mandanas Ruling ni Batangas Governor DoDo Mandanas noong, ika-04 ng Marso 2022.

Ang naturang pagpupulong ay idinaos sa Tagaytay City kung saan may ilang miyembro ang dumalo sa pamamagitan ng audio and video teleconferencing.

Sa pagpasok ng taong 2022, inasahan na ang mga pagbabagong hatid ng implementasyon ng tinaguriang makasaysayan o landmark decision na pagkatig ng Korte Suprema sa petisyong iniakda ni Gov. Mandanas, na nagpapahintulot at nagsasabing ang mga pamahalaang lokal ay may karapatan sa tamang bahagi ng lahat ng buwis na nakokolekta ng pamahalaang nasyunal.

Kaugnay nito, mas lalawak na ang serbisyong maihahatid ng mga Local Government Units (LGUs) sang-ayon na rin sa pag-arangkada ng debolusyon o paglilipat ng mga natukoy na kapangyarihan, proyekto, programa, serbisyo, at kaukulang pondo ng iba’t ibang ahensya ng Pamahalaang Nasyunal sa mga LGUs.

Isa rin ang nasabing usapin sa binigyang-pansin sa ginanap na general assembly na nangangahulugan lamang na mas maayos na matutugunan ng mga lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng nararapat na serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.

Naniniwala si Governor Mandanas na ang implikasyon ng debolusyon ay ang pagpapatibay sa isa sa mga layunin ng Mandanas Ruling, na ang mga LGUs ay nasa mas ganap na posisyon upang tugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan dahil mas kita nila ang mga pangangailangan at ang magiging tugon ditong epektibong serbisyo publiko.

Ang debolusyon ay maipapaganap lamang alinsunod sa malilikhang Devolution Transition Plans o DTPs ng mga ahensya ng pamahalaang nasyunal. Nakasaad dito ang mga gabay at hakbang sa pagpapalawak ng mga serbisyo ng isang lokal na pamahalaan sa ibat’ ibang aspeto, kabilang ang medikal, imprastraktura, at edukasyon.

Samantala, isa rin sa tinalakay ang tungkol sa Growth Equity Fund (GEF) na sisiguro naman na walang LGU na maiiwan sa transisyon ng mga programa at serbisyo o devolved functions tungo sa ganap na debolusyon.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.