Gov. Dodo Mandanas, Patuloy sa Paghikayat ng Investors sa Lalawigan ng Batangas

Notice of Vacant Positions
April 12, 2018
Mga Proyekto ng Batangas Provincial School Board, Iniulat
April 16, 2018

Tungo sa isang Rich Batangas. Kasama si Gov. Dodo Mandanas sa delegasyon ng Pilipinas, na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na lumahok sa Boao Forum for Asia (BFA) Annual Conference 2018 na ginanap sa Hainan Province, China noong ika-9 hanggang ika-12 ng Abril 2018. Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

April 16, 2018

Tungo sa isang Rich Batangas. Kasama si Gov. Dodo Mandanas sa delegasyon ng Pilipinas, na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na lumahok sa Boao Forum for Asia (BFA) Annual Conference 2018 na ginanap sa Hainan Province, China noong ika-9 hanggang ika-12 ng Abril 2018. Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Patuloy ang pakikibahagi ni Gov. Dodo Mandanas sa mga pagtitipon upang makahikayat ng mga investors at business institutions na mamuhunan sa Lalawigan ng Batangas, kabilang na ang pagsama sa mga trade missions and forum sa ibang bansa.

Nitong ika-9 hanggang ika-12 ng Abril 2018, kasama si Gov. Mandanas sa delegasyon ng Pilipinas, na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na lumahok sa Boao Forum for Asia (BFA) Annual Conference 2018 na ginanap sa Hainan Province, China. Ang forum, na may temang, “An Open and Innovative Asia for a World of Greater Prosperity,” ay naghahangad ng pag-unlad sa buong Asya sa pamamagitan ng pagsasama at pagkakaisa ng mga ekonomiya sa rehiyon.  Sunod silang lumipad sa Hong Kong upang makapag diyalogo sa Filipino community.

Naging guest of honor and speaker din si Gov. Mandanas sa Batangas Investment and Tourism Forum na ginanap sa April 19 sa Las Vegas, Nevada; April 26 sa Houston, Texas; at April 28 sa Glendale, California, sa Estados Unidos.

Sa kanyang mensahe sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, binigyang-diin ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan na ginagawa ni Gov. Mandanas ang lahat ng kanyang makakaya nang sa gayon ay maging mas competitive ang Lalawigan ng Batangas.

Sa pamamagitan ng mga investments, dadami ang mga negosyo na magbubukas ng mas maraming mga trabaho para sa mga Batangueno na makakatulong at magpapalakas sa ekonomiya.  Ayon pa sa kanya, isa din sa mithiin ng governor na ang Lalawigan ng Batangas ay magustuhang venue o site para sa mga mamumuhunan mula sa ibang bansa.  Patuloy din ang paghihikayat ni Gov. Mandanas sa mga investors na mamumuhunan sa infrastructure projects upang mas marami pang businessmen ang maengganyong magbukas ng kanilang mga negosyo dito. – Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.