January 29, 2018
Dumalo si Gov. Dodo I. Mandanas bilang Keynote Speaker sa Batangas Development Summit, isang taunang pagpupulong na inorganisa ng First Asia Institute of Technology and Humanities (FAITH) Colleges upang bigyang pansin ang negosyo, turismo, ekonomiya at panlipunang pang-unlad sa Lalawigan ng Batangas, noong ika-26 ng Enero, 2018, sa Lima Park Hotel, Malvar, Batangas.
May apat na bahagi ang pagtitipon: Batangas, an Industry Perpesctive; Increasing Competitiveness of Batangas; Leisure and Tourism Development in Batangas; Corporate Social Responsibility; at, Key to the Province of Batangas.
Ang Key to the Province of Batangas ay isang parangal na iginagawad ng Gobernador ng Lalawigan ng Batangas sa mga dayuhan at piling Pilipinong lider na nagtatrabaho at may malaking kontribusyon sa lalawigan. Ito ay simbolo ng mabuting pakikisama at pagpapahalaga sa suporta nila sa paglago at pag-unlad ng Batangas.
Ang mga pinarangalan ngayong taon ay sina Mr. Hiroyuki Nagai, Presidente ng Taisei Electronics Inc, Mr. Mizoguchi Takahisa, Bise Presidente ng Epson Precision Phils. Inc., at Mr. Ryosuke Kameyame, Factory Director ng Arkray Industry Inc.
Isinagawa ang unang summit noong 2002 kung saan sa paglipas ng taon ay nakakuha ito ng atensyon dahil sa pagbabahagi ng mga kilala at respetadong personalidad ng kanilang kaalaman at pananaw. Sa nakalipas na tatlong taon, ang summit na ito ay nagkaroon ng humigit kumulang 500 kalahok na mayroong mga miyembro ng kongreso, mga gobernor, mayor, business executives at presidente ng mga unibersidad. Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO